kabanata 24

12.6K 248 4
                                    

Proposal

"HEY,  don't  be nervous..  I'm  here..We're  here."
Lumingon sa akin si Eros at binalik ang mata sa daan.

Niyakap ko si Stefanos na naka kandong sa akin.

"I know,  it's  just that..  Magthree-three years na noong huli ko silang nakita especially daddy.. Hindi ko alam kung anong magiging reaction niya.. "He sighed at inabot ng kamay ko at pinatakan ng halik.

"You're  going to be fine.. "Pampalakas loob niya sa akin. Huminga ako ng malalim para alisin ang namumuong kaba sa dibdib ko.

Tumango ako sa kanya at tumingin nalang sa bintana para aliwin ang sarili ko. Madaming scenario ang pumapasok sa utak ko,Halo halo ang emosyon na namumuo sa puso ko.

Namalayan ko nalang na huminto ang sasakyan sa  tapat ng mansyon namin.Pinarada ni Eros sa gilid bago ako nilingon.

"Let's  go? "Pagtatanong niya, Huminga ako ng malalim bago tumango. Ngumiti siya at pinatakan ako ng halik bago lumabas ng sasakyan.

Pinagbuksan niya kami ng pinto, Inalalayan ko ang ulo ni Stefanos baka tumama sa kotse.

Sinara niya ang pinto at humawak sa bewang ko. Sabay kaming tumungo sa gate ng mansion.

"Ms. bridget? "Hindi siguradong tanong ng guard sa akin.

"Manong George"Nakangiti kong tanong. Nanlaki ang mata niya.

"Ms.Bridget ikaw nga!  Antagal na noong huli kitang nakita. "Mabilis niya akong piangbuksan ng pinto. Natigilan siya at napatingin kay Stefanos at Eros na nakahawak sa bewang ko.

"Siya ba y-"

"Opo, Eto pong bulingit na ito ang pinagbubuntis ko noon tapos po eto yung ama."Pagputol ko sa kanya.

"Napakagwapo namang batang ire. "Aniya habang pinagmamasdan si Stefanos na dumedede.

"Oo nga po e, Mana sa ama. "Natatawa kong sabi, nadinig kong tumawa ng mahina si Eros at sumangayon..

"Pasok na po kayo Ms. Bridget. "Ngumiti ako sa kanya at tumungo papasok.

Nilibot ko ang paningin.

It's  good to be here again..

Akmang bubuksan ni Eros ang pinto nang lumabas ang mayardoma namin. Natigilan siya at nanlalaki ang matang tumingin sa akin.

"Hello, Manang. "

"B-ridget. "Hindi makapaniwala niyang sabi at pinagmasdan ang mga kasama ko.

"Asan po si mommy at daddy? "Nakangiti kong tanong, wala sa sariling nagsalita siya.

"Andon sa hardin nagpapahangin. "tumango ako.

"Salamat. "Buhat buhat si Stefanos pumasok ako sa loob. Nilibot ko ang tingin sa buong sala at napangiti dahil walang pinagbago.

Pakiramdam ko ako pa din ang teenager na si Bridget na puro pageant lang ang alam.

"Dito tayo. "Tahimik na tumango si Eros na seryoso ang mukha. Inayos ko ang pagkakakarga kay Stefanos habang papunta kami sa hardin.

Habang papalapit kami natanaw ko si mommy at daddy na nakaupo doon at nagkakape. Wala pa din pala silang pinagbago..kung nong itsura nila ng huli ko silang nakita ganon pa din ang itsura nila hanggang ngayon.

Napatayo si mommy nang makit kaming papadating, nanlalaki ang mata niya at namuo ang mga luha sa mata.  Lumunok ako para pigilan ang pagbabara ng lalamunan ko at pamumuo ng mga luha sa mata.

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon