Kabanata 13

10.8K 237 2
                                    

Kumunoy

NAGISING nalang ako sa mahinang tapik ni Cris, Napasarap ata masyado ang tulog ko. Nag inat ako at nag stretching sa loob ng tent para magising gising.

Lumabas ako bitbit ang toiletries at damit para maligo. Nagsuot ako ng denim short at black T-shirt.

"Good morning!" Bati ko sa mga lalaki na nag aayos ng Sleeping bag nila.

"Good morning."Iilan lang ang bumati sakin. Mukhang wala pa sa wisyo ang iba dahil mga nakatulala pa ito. Hinanap ng mata ko si Eros.

Nanliit ang mata ko sa isang tao na hindi pa bumabangon at nasa sleeping bag pa. Iling iling na lumapit ako para Makita kung sino iyon.

Si Eros.

Nakanguso ang mapulang labi nito at sabog sabog ang blonde na buhok. Nagsquat ako sa harap niya.

Napangisi ako ng may naisip na kalokohan.

Kumuha ako ng chichirya na napalunan namin at binuksan. Nagsquat muli ako sa harap niya at inaamang sa bibig niyang nakaangaw ang chips.

Napahagikgik ako ng kumunot ang noo niya.

Dinagdagan ko pa ng isang chips sa bibig niya. Natahimik ako ng gumalaw uli siya. Tulog mantika naman to..

Dinagdagan ko pa ng chips hanggang dumami sa bibig niya. Parang si Stefanos lang Tulog mantika..

Pinigilan ko ang sarili mapahalakhak nang Makita ang itsura niya, Nilabas ko ang selpon at kinuhanan siya ng litarto.

"Anong ginagawa mo kay Eros,Bridget."Napaigtad ako ng biglang sumulpot si Ben sa likod ko.

Sesenyasan ko dapat siya ng huwag maingay kaso unti unting nagmulat ng mata si Eros at tumama sa mga mata ko.

Kunot noong tinikom niya ang bibig at natigilan ng makagat ang mga chips. Inis na nilingon niya ako.

"Bridget!!"Galit na sigaw niya at akmang tatayo.

"Sorry,Haha. Good morning by the way."Tumatawang lumayo ako sa kanya at pumunta kila Cris.

"May ginawa ka na namang kalokohan no?"Nagdududang tanong ni Ria sa akin ng makalapit ako.

"Huh? Wala a"Pagdedepensa ko habang malawak ang ngisi.

"Naku, Bridget alam ko kapag ganyan ang reaksyon mo may ginawa ka na naman."Umiiling na sabi ni Cris.

"Grabe kayo! Hindi ba pwedeng good mood lang?"

"Oo nalang Bridget."Natatawnag sabi ni Ria. Ngumuso ako sa kanila.

Lumapit kami sa Mc nang tawagin ang lahat para sa susunod na activity. Nagtaka ako ng suotan kami isa isa ng staff ng tali sa bewang na may nakalagay na mini pig bear.

Nilaro laro ko ang baboy sa kamay ko dahil ang cute cute.

"Oh! Bridget! Bakit ka naging ganyan."Inis na lumingon ako kay Eros na hawak hawak ang mini pig bear niya habang tinatawag itong Bridget.

Binatukan ko siya at binaling ang tingin sa Mc.

"Paniguradong nagtataka kayo kung bakit namin kayo nilagyan niyan. Ang mga baboy na yan ang pinaka importante.Susuotan kayo ng blind fold mamaya isa isa at dadalhin sa iba't ibang parte ng gubat. Don't worry walang mababangis na hayop but you stiil need to be careful."

"Habang hinahanap niyo ang daan pabalik dito sa kampo, Mag ingat kayo na hindi mawala ang baboy dahil may mga staff na pumuputol niyan. Kung sinong grupo ang maraming natirang baboy siya ang mananalo."

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon