kabanata 9

11.7K 251 6
                                    

Competition

TUMUNGO ako sa area ng chichirya para bilhan ng pillows si Stefanos. Hinanap ng mata ko ang pillows habang tinutulak ang cart. Napatigil ang mata ko sa isang lalaki na nakatalikod sa gawi ko na nasa harapan ng mga pillows.

"E-ros? "Hindi siguradong tawag ko sa kanya.

Napangiwi ako ng makita ang itsura niya.

"Bridget. "

Kunot noong tiningnan ko ang halos hindi na niya mahawakan na mga pillows, Ngumiwi lang siya sa akin.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon Sinalo ni Ben at Eros ang lahat na Shot para sa akin. Sa kabutihang palad hindi naman sila nalasing.

Mas lalo tuloy nakunpirma nila Ria at Cris maging ang iba pa naming kasama sa department na may gusto sila sa akin na bagay na hindi ko pinapaniwalaan.

Ayokong mag-assume, Sabi nila action speak louder than word but for me, Too much actions without word is confusing.

Hindi mo alam kung kaibigan o lover ba ang tingin sa iyo ng isang tao kung puro sa action ka bumabase. Dapat balance.

“Anong ginagawa mo dito?”Tanong ko sa kanya habang kumukuha din ng maraming yellow na pillows sa cart.

“Woah! Ang dami naman niyan, Malamang
bumili.”Natawa ako sa sinabi niya. Habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikilala.
Ibang iba siya sa opisina at sa labas.

Ibang iba din siya kapag kaharap si Ben.

Saglit lang kaming nagusap ni Eros at humiwalay na din ng landas.

Sinulit ko buong araw ang pag eenjoy kasama si Stefanos at  pagtuturo kay Chryses sa rampa.

SUMAPIT ANG ARAW ng grand finals ni Chryses sa Binibining Pilipinas at nagulat ako ng isa si Eros sa judges.

“Anong trip ng kaibigan mo at binigyan ng bulaklak si Chryses?”Tanong ko sa kanya.

“Let them be.”Nakangisi niyang saad. Gumaling na din ang lapnos niya sa mukha na labis kong kinatuwa dahil sa wakas hindi ko na siya papaalahanan na uminom ng gamot tuwing umaga at gabi.

Madalas pa din silang dalawa mag paramdam sa text na minsan ko lang nirereplyan dahil nakatuon ako kay Stefanos kapag sa Bahay.

Madalas pa din ang pag aaway ng dalawa na hindi ko pa din alam kung bakit mainit ang dugo nila sa isa’t isa.

“Pauwi ka na ba?”Tanong niya.

“Yep.”Saad ko at sinukbit ang bag sa balikat.

“Ihahatid na kita.”Suggest niya. Nag day off talaga ako ngayong araw para sa grand finals ni Chryses.

“Huh? Wag na.”Pagtatangi ko.

“Nahihiya ka pa.. Isang buwan na tayong naguusap.”

“Nag uusap?”

Napakamot siya sa batok.

“I mean alam mo yung civil lang sa isa’t isa ganon.”

“Ahh.”Ani ko ng ma-gets ang ibig sabihin niya.

Wala na akong maisip na dahilan kaya pumayag ako.

“Nice.”Sinabayan niya ako  sa paglalakad habang papunta sa parking lot.

“Hindi ka ba busy ngayon?”Tanong ko sa kanya.

“Hindi naman..”Tumango lang ako sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Napangiti ako.

Improving huh? Samantalang dati hindi niya ako pinag buksan plus sinungit sungitan pa ako.

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon