kabanata 7

12K 276 9
                                    

Kotse

“AAAAA!! Kinikilig talaga ko sa inyo ni Sir.Euandross!!” Impit na tumili si Cris at Ria habang nagtatalon sa harao kk.

Habang ako eto tulala sa kawalan at Hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Eros.

Anong mabango? Hindi kaya?

Uminit ang pisngi ko sa naisip.

“I smell something fishy Bridget, Imagine dalawang gwapong Hunk at nag punong braso para lang sa garter!” Exagerated na sambit ni Ria na sinang ayunan ni Cris.

“Something fishy ka diyan? Wala lang yun.”Simple kong sabi kasi wala lang naman talaga yun.

Ma-issue lang talaga tong mga ‘to.

Pagkatapos sabihin ni Eros yun nag martsa kaagad ako paalis sa sobrang hiyang nararamdaman.

“Sus.. Tingnan  mo one of this days.. Aamin yang mga yan. Ano? Pustahan oh?” Naghahamon na sambit ni Cris.

Tumaas ang kilay ko at ginantihan siya ng mapaghamon na tingin.

“Sige ba! Name  your deal!”Condifent  na sabi ko.

“Manlilibre ka sa night club kapag may umamin na kahit isa sa dalawang yun!” Biglang sabi ni Ria.

“Nays Ria, Maganda yan.”Nakangising sangayon ni Cris kay Ria at tinatapik tapik ang likod nito.

“Kapag walang umamin kayo ang manlilibre sa akin deal?”Confident na sabi ko sa kanila.

“Deal!”Sabay na sabi ng dalawa na parehas malawak ang ngisi na parang siguradong sigurado sila na tama ang hinala nila.

Simula ng matapos ang Boquet throw and garter throw. Malawak ang ngisi sa labi ni Eros habang nakatingin sa akin.

Hindi ko tuloy  mapigilan na pamulahan tuwing nagtatagpon ang mata namin.

Gosh! I hate that guy!

After ng event nag-pack up na kaming mga staff.  Nilagay namin sa malaking track ang mga ginamit namin. Nakahawak ako sa balikat habang hinihilot. Pumasok ako sa event room Habang dinadaing pa din ang sakit at pagod na balikat.

Deym what a long day.

Sinalubong ako ni Ben, Nginitian ko lang siya at tutuloy na sana sa loob nang harangan niya ako. Kunot noo ko siyang tiningnan at gumilid para doon dumaan.

“What?”Singhal ko nang harangan niya ako.

Ngumiti muli siya at nawala na naman ang mga mata,This chinito guy..

“Diyan ka lang, Huwag kang gagalaw.”Sabi niya at pumunta sa likod ko.

“Okay?”Takha kong sabi at pinakiramdaman ang gagawin niya.

“Napansin ko kanina na pahawak hawak ka sa balikat mo.”Sabi niya mula sa likod at minasahe ang balikat.

Nagulat ako hindi sa ginawa niya kundi kay Eros na nakatayo sa harap ko at nakataas ang kilay habang pinapanood kami. Unti unting sumama ang mukha niya habang tumatagal..

“My Shoulder is tired too, Can you massage it? Tutal mukhang experto ka sa gantong Gawain.”Malamig pa sa yelo  sa sabi niya.

Naramdaman kong tumigil si Ben sa pagmasahe. Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Ben dahil nasa likod ko siya pero kitang kita ko  ang Expression ni Eros.

“Mahilig ka talaga sumulpot ng parang kabute no?”Ramdam ko ang kaseryosohan sa boses ni Ben. Umangat ang sulok ng labi ni Eros.

“Well.. It’s my nature to protect what is mine.”Huh? Ano daw? Sa kanya? Sino? Yung ano?

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon