You smell good
HALOS magkaundagaga kami sa pag aayos sa Reception,Maaga kaming lahat gumising para ayusin ang mga decoration sa simbahan.
After namin mag ayos doon, Naiwan ang ibang staff para mag organize sa Wedding habang kami ay tumungo na dito sa reception para mag ayos.
Mahigit dalawang oras ang itatagal ng kasal kaya nagmadali kami sa pagaayos.Inihanda nila Ben ang lamesa na paglalagyan ng cake at ng mga pagkain.
Habang fino-fold ko naman ang kulay pink na panyo na ilalagay sa ibabaw ng lamesa, Nag kanya kanya kaming kilos sa kanya kanya naming task.
Si Cris naka-assign sa pagaayos ng stage habang si Ria naka-asssign sa pagaayos ng mga give away. Ang event leader naman namin na si Ms.Josefina busy sa pagtuturo sa mga staff kung pano ang tamang gagawin na design sa kisame.
Nang matapos ako mag-fold, Inilagay ko ang mga ito sa ibabaw ng mga nakataob na plato na inayos ng isa sa katulong ni Ben. White and pink ang kulay ng buong Reception.
May kandila sa bawat lamesa na paniguradong magpapaganda lalo, Kumpleto ang untensils na nakalagay sa bawat plato.
Spoon,Fork,Knife,Chopstick.
“Ria, Asan yung mga numbers para sa lamesa?”Tanong ko. Mula sa pagaayos ng Give away nag angat siya ng tingin.
“Andun, Kalkalin mo nalang.” Tinuro niya ang mga materyales na nasa gitna.
“Okay,Thankyou.” Hinubad ko ang Pink blazer at hinayaan ang kulay puti kong Sleveless na nakalantad. Nilapag ko sa isang upuan ang blazer at nagtaas ng buhok dahil sa init.
Nag squat ako sa harapan ng mga materyales at hinanap nag mga numero na-prinint ni Ria kahapon.
“Eto ba hinahanap mo?”Nagangat ako ng tingin.
“Oo, Eto thankyou Ben.”Aniya ko at inabot ang nakalahad na papel.
Nagtaka ako bakit nakabaling sa malayo ang mukha niya at hindi tumitingin sa akin.
“Bridget, Your cleavage..”Namumula ang tenga na saad niya. Napatingin ako sa dibdib ko at para akong tinakasan ng kulay nang makitang medyo bumaba iyon dahilan para makita ng konti ang dibdib ko.
Mabilis kong inayos yun dahil sa hiyang nararamdaman.
“Suotin mo nalang uli itong blazer mo.”Pikit matang inabot niya ang blazer. Mabilis ko sinuot ang blazer at tumayo ng maayos.
“S-orry hindi ko napansin.”Nahihiya kong sabi sa kanya nang dumilat siya.
“No problem. Huwag mo nalang uli hubarin ang blazer mo, Baka mapaaway pa ako.” Nakangiti niyang sabi.
Lumilipas ang araw na napapansin ko na napaka-Smiling Face ni Ben. Wala atang araw na hindi ito nakangiti. Hindi katulad ng iba diyan…
“Ha?”Pag mamaang maangan ko kahit alam ko ang sinabi niya. Ayokong mag-accept ng kahit anong pambobola ng isang lalaki.
I’m not a teenager anymore I am a Mother now.
Think before doing reckless, The last time na naging Reckless ako may nabuong Stefanos.Pero hindi ko pinagsisihan na pinanganak ko si Stefanos cause he gave me a will to live. Kung dati noong dalaga pa ako hindi ko alam kung anong patutunguhan ko sa buhay.
I just enjoyed and enjoyed wala akong prinoproblema na kahit ano. But then Nung napanganak ko si Stefanos Everything change even my Perspective in life.
Natuto akong maging independent at hindi umaasa sa magulang, Mas masarap pa din gumastos kapag sa sariling pawis mo ng galing.
Hindi naman masama mabuntis ng maaga , Ang masama ay yung umaasa pa din sa magulang at wala man lang ginagawang effort para buhayin ang sariling anak.
BINABASA MO ANG
The Crown's Descendant (COMPLETED)
RomanceBridget Clemenza is the only child of the Mayor of Pasig, Was a College student when her life changed because of the one night stand. She bear a child without knowing who is the Father. She only knew that her Son's father has a Crown tattoo in his...