kabanata 12

11K 263 8
                                    

Malandi

NaGISING ako sa malamig na hangin na dumadampi sa aking balat, Kinusot ko ang mata at binuksan ang cellphone para tingnan ang oras.

5:05 Am.

Bumangon ako at sumulyap sa mga kasama na tulog na tulog pa din. Iba iba ang posisyon namin ng higa para magkasya kami sa maliit na tent na ito.

Binalik ko ang unan ni Stefanos sa loob ng maleta ganon din ang kumot bago nagsuot ng jacket at nagti-tiptoe na lumabas.

Napahawak ako sa braso sa lamig pagkalabas ko, May hamog hamog pa sa paligid at papasikat palang ang araw. KIniskis ko ang mga palad at nilagpasan ang mga sleeping bag.

Binuksan ko ang selpon para kumuha ng signal dahil kagabi pa ako walang makuhang signal at hindi ko matawagan si Stefanos na paniguradong nag aantay sa tawag ko.

Napatingin ako sa kabilang grupo na iilan na ang gising, Lumapit ako sa dagat para maghilamos.

“Woah!”Para akong tanga na umaatras kapag tatama sa paa ko ang alon. Napailing nalang ako at nag squat para maghilamos,Nilagay ko ang phone sa bulsa ng jacket bago yumuko at kumuha ng tubig.

“Ang lamig.”Bulong ko nang maramdaman ang malamig na tubig na dumampi sa mukha ko.

Kinuhanan ko muna ng litrato ang pabukang liwayway na araw.

“Ang ganda.”Manghang sabi ko habang nakatutok ang selpon sa langit. Pinindot ko ang front camera para mag selfie.

“Putangina!”Gulat na wika ko nang Makita sa camera si Eros na nakatayo sa likod ko at nakapasok ang dalawang kamay sa jacket.

“Hindi ka manlang nagsabi na nandyan ka! Muntik na ko atakihin sa puso.”Gulat pa din na sabi ko dahil hindi pa kumakalma ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kanya.

“Sorry, Mukhang enjoy na enjoy ka kaya hindi na kita in-istorbo.”He said in bedroom voiced.

Nagkusot siya ng mata at nakangusong nag squat para maghilamos din.

Natawa ako ng mahina dahil sa ka-cute-tan niya, Parang si Stefanos lang haha.

Pinanood ko lang siya habang naghihilamos at lamig na lamig.

“Good morning.”Bati niya ng matapos.

I smiled at tinaas ang blonde niyang buhok na nakaharang sa mukha.

“Good morning din.”

Sabay kaming tumingin sa araw na papasibol.

“Mag-exercise tayo.”Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Ugh! I hate exercise pa naman!

“Ayoko.”Nakasimangot kong aniya. Lumingon siya.

“Dali na, Kaya ka tumataba hindi  ka nag e-exercise.” Ngumisi siya at naglalaro ang mga mata na tumingin sa akin.

“Hindi ako mataba!”Lumapit ako sa kanya para paghahampasin siya.

“Habulin mo ko taba! Taba!”Uminit ang ulo ko sa pangaasar niya. Hinabol ko siya habang tumatakbo siya palayo at paulit ulit na sinasabi ang wors na ‘taba’

“FIVE MINUTES niyong gawin yan.” Sabi ni Eros. Nakabilog kaming lahat para mag  exercise.

Nakasimangot kong ginaya ang ginagawa ni Eros, Nangaasar naman na tumingin sa akin ang hudyo.

“Bridget.”

“Hmm?”Aniya ko kay Ben ng tawagin ako at kalabitin. Masama pa din ang tingin ko sa hudyo na si Eros.

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon