kabanata 10

12.1K 246 3
                                    

Isla

ALAS tres ng umaga ako bumangon at naghanda. Nagsuot lang ako ng pants at jacket dahil
malamig.

Nilugay ko lang ang basa kong buhok para hindi manakit ang ulo ko.

Nagiwan  ako ng pera kay Ate lina para pang gastos gastos nila ni Stefanos sa limang araw na wala ako.

Hila hila ko ang maleta ng lumabas ng apartment, Nagtaka ako kasi may sasakyan na nakapark sa tapat. Binaliwala ko nalang baka bagong bili ng kapitbahay.

Napahinto ako ng mag high beam ang kotse.

“Eros?”Gulantang kong sabi ng bumaba ang salamin para Makita ang driver.

“Ben?”Sambit ko ng matanaw din si Ben na nakaupo sa passenger seat.

Really? Hanggang dito ba naman.

“Hey, Bridget sinundo ka namin.”Nakangiting sabi ni Ben.

“Tss. Ako lang dapat ang susundo sayo kaso bigla siyang sumakay sa passenger seat.”Ang aga aga nakasimangot agad si Eros.

Nilagay ni Ben ang maleta ko sa likod ng  sasakyan at pumasok naman ako sa backseat. Hindi na umayaw since ayoko din mahirapan sa pagsakay ng jeep.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nagaaway sila habang nasa byahe. Hindi man lang ako dinapuan ng antok dahil nalilibang ako sa kanila.

“Ahm anong sasakyan natin papunta sa isla?”
Sabat ko sa kanila.

“May bus na maghahatid sa atin sa port ng yatch na maghahatid naman satin sa isla.”Tumango ako sa sa sinabi ni Eros at napatingin sa labas ng huminto ang sasakyan.

Natanaw ko ang mga kasama namin na mga nakajacket din at pants kagaya ko na parang pinag usapan namin lahat iyon.

“Woah!!”Gulat na sabi nila ng Makita akong lumabas ng sasakyan. Si Ben ang naglabas ng maleta ko,Hinila ko palapit ang maleta kila Cris matapos magpasalamat.

“Ano yun huh?”Bungad ni Ria.

“Ewan ko, Nagulat nalang ako nasa labas na ng apartment ko yung dalawa.”Tumawa sila.

“Ganda yan e!”Sinamaan ko sila ng tingin sa mga pangaasar niya. Pagsapit na pagsapit ng alas kwatro dumating ang bus na in-arkila ng kumpanya.

Umupo ako sa dulo dahil andon nalang ang bakante.

Natanaw ko si Eros at Ben na bitbit ang kanilang mga bag at naguunahan papunta dito sa likod na kinailing ko nalang at kinatawa ng iba kong kasama.

“Shit! Sabing paunahin mo ko e!”

“Ulol!”Natatawang asar ni Ben kay Eros na pikon.

Napakamot nalang ako sa ulo ng katabi ko pa ang dalawang asungot. Sa kanan si Eros na nakaupo banda sa may binta tapos sa kaliwa ko si Ben na katabi ang dalawa kong ka-department.

Buti naman at hindi nagaaway itong dalawa. Niyakap ko ang unan na maliit na bitbit ko, Actually unan ito ni Stefanos, Paniguradong mamimiss ko ang anak kaya nagdala ako  ng ganto.

Halos maduwal duwal ako habang nasa byahe.

Ugh! Bakit kasi dito ako napa upo nakakahilo tuloy! Ngayon nalang kasi ako makakabyahe ng malayo.

“Are you okay? You look conspicated.”Ngumisi si Eros.

Sinamaan ko siya ng tingin at napayakap ng mahigpit sa unan.

“N-asusuka ako.”Sapat na ang maikling salita para mataranta siya.

“Ben!”Taranta niyang tinawag si Ben sa gilid ko at sinabing nasusuka ako..

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon