"MASAKIT PA BA ang sugat mo?" tanong ni Elvin kay Shanelle habang marahan nitong nililinisan ang sugat niya.
Hindi umimik si Shanelle bagkus ay tumingin lang siya sa guwapo nitong mukha. Nakayuko ito habang abala sa paglalagay ng betadine sa sugat niya. Kahit nakayuko ito, kitang-kita pa rin niya ang kaguwapuhan nito. Nakakakilig!
"H-hindi na naman. Maayos na ako kaya huwag ka nang mag-alala," nangingiti niyang sagot.
Hindi na umimik pa ang binata bagkus ay nang matapos itong maglagay ng betadine sa hindi naman niya kalakihang sugat, kaagad nito iyong tinapalan ng gasa. At nang matapos, may ngiti sa mga labi nitong nag-angat ng mukha sa kaniya.
"Are you sure, Lane? Sure ka bang maayos ka na? If not, I can bring you to the hospital to check your wound."
Bahagya siyang umiling. "Ano ka ba? Maayos na ako, oo. Hindi mo na ako kailangan pang dalhin sa hospital para ipagamot, Elvin."
Tumango-tango ang binata saka tumayo mula sa kinauupuan at naglakad patungo sa dulo ng balkonahe. Nang makarating, humawak ito sa railings at pinakatitigan ang ganda ng dagat na nasa harapan nila.
Napailing na lamang si Shanelle kaya tumayo siya sa bench at naglakad patungo sa binata. Binigyan niya ng distansya ang isa't-isa. Mga ilang pulgada lang ang layo niya rito. Kapagkuwan ay humawak siya nang mahigpit sa railings at nakangiting tiningan ang kulay asul na karagatan.
"The sea looks so beautiful, like you, Lane," mahinang sambit ni Elvin.
Hindi niya mapigilan ang kiligin sa tinuran nito.
Bakit parang napakaamo nito ngayon?
Bakit nawala ang pagkademonyo nito?
Bakit parang naging tuta ito?
Bakit sobrang bait nito?
Hindi niya mapigilan ang iiling ang ulo pagdaka'y binalingan si Elvin na abala pa rin sa pagtitig sa karagatan. Kahit hindi ito nakaharap sa kaniya at tanging pisngi lang ang nakikita niya, kitang-kita niya ang paggalaw ng panga nito- na parang nagpupuyos sa hindi niya malamang dahilan.
Pero ang bagay na iyon ang hindi na niya kailangang malaman pa!
Ngumiti siya. "Guwapo ka rin naman, e. Iyong mukha mo, mala-hollywood actor. Medyo may kahawig ka crush ko na si Sean O'pry, pero mas guwapo iyon kaysa sa iyo," walang pakundangan niyang sabi dahilan para mapatingin sa kaniya ang binata.
Na-offend ba ito? Tanong niya sa sarili.
"So, mas guwapo pa pala iyong Sean sa sinasabi mo? Do I look ugly, Lane? Hindi ba ako guwapo?" naiiritang tanong nito na sinabayan pa nang mahinang pagtawa. "Uncrush him, Lane. Sa akin ka lang dapat magkagusto! And hey, we are married. You are a Miller- you are my wife," anito saka itinaas ang kanang kamay at tinuro roon ang isang daliri na may singsing.
Napalunok siya ng mga oras na iyon. Ibinaba niya ang kaniyang ulo at tiningnan ang kamay na may singsing. Nandoon pa rin ang singsing. Hindi niya tinanggal nang sabihin sa kaniya nito na kasal na sila. Iyon ang isa niyang problema ngayon na nagising na lang siyang kasal na sila- na may singsing na siya!
Makalipas ang ilang minuto, inangat niya ang kaniyang ulo at matamang tiningnan si Elvin na nakalukot ang mukha- mukhang naiinis ang hinayupak!
"Hindi ka pangit, guwapo ka, Elvin. Ang ibig ko lang sabihin ay kahawig mo lang siya at oo, mas guwapo siya kaysa sa iyo. Kung ikakasaya mo ang pagdisgusto ko sa kaniya, sige, hindi ko na siya crush simula ngayon," nakangiti niyang bulalas.
Umiling ang tarantado. "But you told me na mas guwapo siya. Lane, ako lang dapat ay may 'mas'! Gusto ko sa paningin mo ay ako na ang pinakangguwapong nakilala mo. Please, sabihin mo na mas guwapo ako. Please?" Kalaunan ay malapad itong ngumiti at parang batang nakanguso.
BINABASA MO ANG
Sold Her Virginity (R18+)
Ficción GeneralAno ang handa mong isuko alang-alang para sa mahal mo sa buhay? Kahirapan...iyan nag-udyok kay Shanelle upang pasukin ang trabahong kailanma'y hindi niya pinangarap. Dahil sa kaibigan, nalaman niya na may trabaho na kung saan ay ibibigay mo ang pagk...