KINAUMAGAHAN, NAGISING SI Shanelle nang biglang kumirot ang ulo niya. Nakangiwi niyang iminulat ang mga mata at inaantok na umupo sa kaniyang kinahihigaan. Inikot niya ang kaniyang mga mata sa kapaligiran. Nasa loob siya ng isang malaking kuwarto. Pumikit siya at inalala ang nangyari kagabi.
Hindi lang isa, dalawa, o tatlo ang pag-iisa nila ni Elvin. Hindi na niya iyon mabilang dahil halos madaling-araw na silang natapos. Medyo mahapdi ang pagkababae niya ngayon pero hindi iyon alintana— hindi naman nakakasagabal sa kaniya. Iyon lang ang naalala niya bago siya tuluyang lumupagi sa kama.
Nasaan na kaya si Elvin? Iyon ang naging tanong niya sa sarili at binalingan ang katabi. Wala. Malawak ang espasyo. Nag-iisa lang siya at walang siyang kasama. Doon ay nakaramdam siya ng lumbay. Talagang tinupad ng binata ang gusto niya— ang makita ang mga magulang niya. Ito na iyon, ibinigay na ni Elvin ang gusto niya.
Malalim siyang huminga kapagkuwa'y tumayo para magtungo sa banyo. Ang akala niya'y hubo't-hubad siya, nagkamali siya. May suot na siyang desenteng damit. Naalala niya, nawalan siya ng malay kagabi na wala ni isang suot kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil iniisip niya na binihisan siya ni Elvin.
Sunod-sunod siyang napailing saka mabilis na nagtungo sa banyo para maligo. Hinubad niya ang kaniyang mga suot at pumailalim sa malamig na shower. Napapikit siya nang masarapan. Bigla na lang nawala ang sakit ng ulo niya kaya hindi niya nabilang kung ilang minuto siyang naligo. At nang matapos, nakatuwalya siyang lumabas sa banyo.
"Anong susuutin ko?" nakangiwi niyang tanong saka marahas na bumuga ng hangin sa bibig.
Nilapitan niya ang nag-iisang cabinet sa loob ng kuwartong kinalalagyan niya. Binuksan niya iyon at napamulagat na lang siya sa kaniyang nakita. May iba't-ibang klaseng damit ang naka-hanger. May jeans, t-shirt, at disenteng dress na hindi naman pangrampa sa club.
Napatawa na lang siya at kinuha roon ang isang kulay light brown na jeans at t-shirt na kulay dilaw. Kahit na ganoon, ayos at kuntento na siya. Hindi naman siya katulad ng ibang babae na maarte sa mga sinusuot. Iba siya— hindi siya katulad ng mga ito. Kung ano ang nakahain, e 'di ayon na lang.
Nang akmang tatalikod na siya para magbihis, biglang inagaw ng isang maliit na bag ang kaniyang atensyon. Ang bag ay nasa loob din ng cabinet na nasa harapan niya. Dahil sa kuryosidad, kinuha niya iyon ay nagtungo sa kama para tingnan.
Hindi naman kalakihan ang bag kaya nakaya iyon ng isa niyang kamay. Nang makarating sa kama, umupo siya at inilapag ang mga hawak sa ibabaw ng kama. Ilang segundo niya pang pinasadahan ng tingin ang bag bago niya iyon binuksan. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang niya, isang papel ang bumungad sa kaniya. Kinuha niya iyon para basahin kung mayroon mang nakasulat doon. Hindi siya nagkamali dahil may nakatala roong isang maikling liham.
'Accept this money, Lane. That money is for you. Yeah, I gave that money because I know, you need it. Don't deny you do not need it. And Lane, your ring, do not remove it! Hindi ko kayang makitang wala ang singsing na sinuot ko sa iyo. We're married. You are my wife and I am your husband, so don't you dare cheat on me. I can hire men to kill who's that guy. I love you, Lane. I really love you. Hope you come back in here— in my island to see me again. I already missed you, sweety! I love you!' —Elvin.
Nang matapos niyang basahin ang nakatala sa maliit na papel, kaagad niyang tiningnan ang nasa loob ng bag at halos mapamulagat siya sa kaniyang nakita. Lilibuhing pera ang naroroon kaya hindi niya maiwasan ang magulat. Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya nakakita ng ganoong karaming pera.
Naiiling na lang niyang sinaraduhan ang bag saka nagsimula nang magbihis. Nang matapos, buhok naman niya ang kaniyang inayos. Nang matapos lahat-lahat, dala ang maraming pera, lumabas siya ng kinalalagyan niya at doon pa lamang niya napagtanto na nasa hotel siya dahil maraming pinto ang nakahilera sa magkabilang gawi.
![](https://img.wattpad.com/cover/234507288-288-k295139.jpg)
BINABASA MO ANG
Sold Her Virginity (R18+)
Fiksi UmumAno ang handa mong isuko alang-alang para sa mahal mo sa buhay? Kahirapan...iyan nag-udyok kay Shanelle upang pasukin ang trabahong kailanma'y hindi niya pinangarap. Dahil sa kaibigan, nalaman niya na may trabaho na kung saan ay ibibigay mo ang pagk...