Chapter 20: SPG

9.1K 394 59
                                    

As I said in the previous chapter, I'll update today and yeah, here's my precious-hot update. Lol.🤪

Warning: If you are not open-minded, you are not allowed to read this chapter. Paalam ka muna sa parents mo HAHAHA.🤣 Because this chapter contains mature content.

Ayos na ba? Okay, enjoy reading and love you all!🌹

————————————————————

KABANG-KABA SI SHANELLE habang iginagaya siya ni Elvin papasok sa isang restaurant na sa tantiya niya'y mamahalin. At nang makapasok sa loob, doon ay napagmasdan niya ang ganda ng kalooban. Tahimik lang. Ni isang tao ay wala maliban lang sa kanilang dalawa. May isang lamesa sa gitna. Puno ng pagkain. Sa gitna ng lamesa, may nakatayo roong mga kandila. Iginala niya pa ang kaniyang mga mata at isa lang ang masasabi niya, 'ang ganda'!

"Did you like it?"

Napatingin siya kay Elvin nang magsalita ito. Inosente siyang tumango at nakangiti itong sinagot. "Oo, sobrang nagustuhan ko. Bakit tayo lang ang tao?"

Ngumisi ito saka mabilis na binitawan ang kamay niya. Hindi muna siya nito sinagot bagkus ay naglakad ito patungo sa lamesa. Nang makarating, hindi ito umupo, nakangiti itong humarap sa kaniya.

"Hindi mo na kailangang magtanong. This is our date! Come here, sweety. Let's enjoy this night."

Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng malapad sa tinuran nito. Kakaiba ngayon si Elvin. Napakaamo na parang tupa. Hindi katulad kanina na cold. Hindi nga siya nito pinansin nang nasa sasakyan sila at ngayon— ngayon lang siya nito binigyang pansin. Iyong mga ngiti nito, hindi maipinta. Masaya ba ito dahil date nila? O pagpapanggap lang? Na peke lang ang mga ngiting iyon.

At sa ayos ng binata ngayon, lalo pa itong gumuwapo sa suot nitong kulay asul na coat. Ang guwapo-guwapo nito. Ang kisig ng tayo. Lalaking-lalaki. Hindi niya mapigilan ang mapalunok habang pinapasadahan ng tingin ang binata mula ulo at paa. Sabi ko nga, guwapo!

Umiiling, naglakad na siya palapit dito at hindi na pinansin ang mga sinabi nito. Nang makalapit siya sa puwesto nito, pinaghila siya nito ng upuan. Napaka-gentleman naman! Nangingiti na lang siyang umupo at tiningnan ang mga pagkain sa harap niya. May mga pamilyar at mayroon namang hindi. Bigla na lang siyang natakam ng mga oras na iyon. Gutom na rin kasi siya lalo pa't ilang oras ang byinahe nila mula Batangas hanggang Manila.

"If you are hungry, you can eat," ani Elvin sa kaniya.

Nag-angat siya ng ulo rito at pinagmasdan ng ilang segundo bago ibinalik ang atensyon sa mga pagkain nasa harap niya. Walang pakundangan at hiya, nagsimula na siyang kumain.

At sa gitna ng pagnguya niya, nagsalita ang hinayupak— si Elvin!

"Mukhang gutom ka, ah. Kumain ka ba sa bahay bago tayo umalis? You looked indeed hungry, Lane."

Oo, hindi siya kumain bago umalis ng bahay nito. Kabang-kaba kasi siya dahil iniisip niya ang mangyayari kapag nag-date nila at nangyari na nga kaya hindi na siya kinakabahan at saka lang siya nakaramdam ng gutom nang makita ang masasarap na pagkain.

Bago siya sumagot, nilunok niya muna ang nasa bibig bago uminom ng tubig at nakangiting tumingin kay Elvin na ngayon ay nakasandal sa upuan habang nakakrus ang mga braso, mukhang hinihintay nito ang sagot niya.

"S-sorry. Oo, gutom talaga ako kaya pasensya ka na talaga. Hindi kasi ako makakain kasi medyo masama ang pakiramdam ko pero maayos na naman ako," ngiting sinungaling niyang sagot. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam niya, ayaw niya lang sabihin na kinakabahan siya.

Tumango ang binata. "Okay, you may continue eating. Enjoy and after that, I have a surprise for you!"

Surprise? Ano kaya iyon? Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng excitement dahil sa sinabi nito. Ano na naman kaya ang pakulo ng hinayupak?

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon