"PAPA, ALAM KONG hindi ka masaya ngayon dahil sa nangyari. Alam ng Diyos na wala akong kinilaman sa sulat na iyon. Alam na alam niya ang lahat kaya sana po'y huwag na po kayong magalit sa akin. Si Trixie, ang babae pong iyon ang may gawa ng sulat. Mahal na mahal po kita, sana po'y huwag na kayong malungkot at magalit sa akin. Kung nasaan man po kayo ngayon, sana po'y maayos na kayo," naluluhang ani Shanelle habang nakayuko— nakatingin sa puntod ng papa niya.
Hindi niya pa rin tanggap ang nangyari rito. Nawala ito ng ganoon-ganoon lang at hindi man lang niya nakitang maayos— na gumaling ito sa sakit na iniinda. Gusto niyang ibalik ang oras pero alam niyang hinding-hindi na iyon mangyayari. Sising-sisi siya sa nangyari sa papa niya. Sa kaniya nagsimula ang lahat at kahit na hindi siya ang nagsulat ng liham, pakiramdam niya'y siya rin ang may gawa kaya namatay ito. Kung noon pa sana siya bumalik, pero ang walang hiyang si Elvin ay hindi siya pinayagan. Baka kung noon ay nakabalik na siya, maaaring buhay pa ngayon ang papa niya. Si Trixie, ang babaitang iyong ang may kasalanan kung bakit inataki ang papa niya. Kailangang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mahal niyang papa, handa siyang ipakulong si Trixie!
"Papa, hinihiling ko po sa inyo na sana'y gabayan niyo po kami ni mama hanggang nabubuhay pa kami. Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal at pag-aalalaga niyo sa akin noon. Utang ko po ang lahat-lahat sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo," nakangiti niyang sabi pero sa loob-loob niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ginawa lang niya iyon para ipakita sa papa niya na positibo siya at hindi negatibo. "Mahal na mahal ko po talaga kayo," lintaya niya saka hinalikan ang lapida ng papa bago tumayo.
Nag-sign of the cross muna siya bago nilisan ang sementeryo. Habang naglalakad, pakiramdam ni Shanelle ay parang may sumusunod sa kaniya. Muling bumalik ang takot sa kaniyang buong pagkatao dahil doon. Naalala na naman niya iyong nangyari nitong nakaraang linggo. Naiiling na lang siyang binilisan ang paglalakad para makaalis na. Ramdam na ramdam talaga niya na may sumusunod sa kaniya. Kabang-kaba siya habang naglalakad. Jusko, sana naman po'y huwag niyo po akong ipahamak.
Nang makalabas ng sementeryo, nag-abang na siya ng masasakyan. Ilang segundo pa ang lumipas ay may tumigil na taxi sa harapan niya. Walang pagdadalawang-isip, sumakay siya roon at nagpahatid sa bahay ni Elvin.
"Ang ganda niyo po, ma'am," ani ng driver habang abala sa pagmamaneho.
Peke siyang ngumiti kahit na kabang-kaba siya, dumadagundong ang puso niya dahil sa tindi ng takot. "M-maraming salamat po. Puwede po bang pakibilisan?"
Kita niya ang pangungunot-noo ng driver. Hindi niya makita ang kabuuang hitsura nito dahil naka-mask ito. "Bakit naman po, ma'am? May problema po ba?" sunod-sunod at nagtatakang tanong nito.
Napailing na lang siya dahil sa prustrasyon. "Pakiramdam ko lang po. Pakibilisan naman po, please?" Takot ang ngayo'y nananalantay sa buo niyang pagkatao.
Tumango lang ang driver saka nagsimula nang bilisan ang pagmamaneho. Habang si Shanelle naman ay tahimik na nananalangin sa likod. Ipinapanalangin niya na sana'y iligtas siya sa anumang kapahamakan dahil ayaw niyang mag-isa ang mama niya habang nabubuhay. Gusto niyang alagaan pa ito hanggang sa pagtanda nito kaya ganoon na lang ang takot niya na mamatay.
Ilang minuto ang nakalipas, sumilip sa labas si Shanelle at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya. Ibang daan na ang tinatahak ng driver. At dahil doon, lalo pang nadagdagan ang takot na nararamdaman niya.
"Manong, p-parang iba na yatang daan ang tinatahak mo," kinakabahan niyang tanong habang madiing nakakapit sa kinauupuan.
Hindi sumagot ang driver bagkus ay inihinto nito ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Nang mahinto, tinanggal nito ang sariling seatbelt at humarap na ito saka ibinaba ang mask na suot.

BINABASA MO ANG
Sold Her Virginity (R18+)
General FictionAno ang handa mong isuko alang-alang para sa mahal mo sa buhay? Kahirapan...iyan nag-udyok kay Shanelle upang pasukin ang trabahong kailanma'y hindi niya pinangarap. Dahil sa kaibigan, nalaman niya na may trabaho na kung saan ay ibibigay mo ang pagk...