Chapter 27

7.1K 299 35
                                    

"NAGSESELOS KA BA?" naguguluhang tanong ni Shanelle kay Elvin habang diretsong nakatingin dito. Ang mukha nito ay ganoon pa rin— nandidilim na akala mo'y handang pumatay.

"Yes! Nagseselos ako!" may sarkastikong sagot ni Elvin sa kaniya.

Bakit ba nito kailangang magselos? May label ba sila ni Kevin para magselos ang hinayupak na ito? Nakakainit ng ulo! Selos na selos!

"Bakit ka naman magseselos, ha? Hindi ko boyfriend number two si Kevin. Oo, Kevin ang pangalan niya at walang kami dahil kababata ko lang siya— kaibigan ko lang si Kevin," inis niyang sagot dito saka iniirap ang mga mata sa ere.

Tumayo na siya at naglakad na palabas pero hindi pa man siya tuluyang nakakalabas, bigla nitong hinawakan ang kaniyang isang kamay at hinapit siya saka sinandal sa pinto. Galit, iyon ang nakikita niya sa mukha ni Elvin habang nakatingin sa kaniya.

"Is that so? Kaibigan mo lang ba ang lalaking iyon? Kaibigan o kaibigan?" nakatiim-pangang tanong nito sa kaniya.

Kaibigan, iyon ang label nila ni Kevin. Kaibigan— magkaibigan lang sila at wala ng iba. Kaibigan? Hindi, aniya nga, wala sila ni Kevin, hindi sila nag-iibigan at talagang magkaibigan lang silang dalawa.

Lumunok siya kapagkuwan ay sinagot ito. "Kaibigan ko nga lang talaga si Kevin. Bakit ba ayaw mong maniwala, ha? Walang kami ni Kevin. Walang kami. Walang kami at iyon ang totoo!" iritado niyang sagot dito saka puwersahang inagaw ang sariling kamay.

Nang magawa, tumalikod na siya at mabilis na nilisan ang kusina. Naiinis siyang nagtungo sa kuwarto niya, nang makarating, galit siyang umupo sa kama.

Bakit ba ganoon kaseloso ang hinayupak? Parang papatayin na siya dahil madilim ang paningin nito sa kaniya. At ilang beses niya bang sasabihin dito na wala sila ni Kevin? Na magkaibigan lang talaga ang turingan nila.

Malalim siyang napabuntong-hininga at tumayo mula sa pagkakaupo saka nagtungo sa banyo. Nang makapasok, kaagad siyang lumapit sa salamin at doon pinakatitigan ang sarili.

Malungkot siya, iyon ang nakikita niya sa kaniyang repleksyon. Malungkot siya dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Nagsimula ang lahat sa pagbenta niya ng sarili niyang pagkababae. Akala niya'y magiging maayos ang lahat pero hindi... minalas siya! Oo, naoperahan na nga ang papa niya pero namatay din ito dahil sa nabasang sulat at dahil iyon sa kagagawan ni Trixie na siyang gumawa ng sulat. Iyong galit naman ng mama niya sa kaniya, hindi niya iyon maisaisip dahil sa tanang buhay niya, ngayon lang ito nagalit sa kaniya. Habang-buhay na lang ba ang galit nito sa kaniya? Tapos na-hold-up pa siya at wala siyang awang sinaksak. Ang malas-malas niya. Gusto na rin niyang sumunod sa papa niya pero hindi niya kaya dahil maiiwan ang mama niyang mag-isa. Hahayaang na lang niya munang magalit ito sa kaniya, alam naman niyang darating ang panahon ng malalaman ng mama niya ang katotohanan sa likod ng sulat na kanilang nabasa. Kapag bumalik ito, iyon ang panahon na sasabihin na niya ang lahat.

Napabuntong-hinga si Shanelle bago itinaas ang damit niya mula sa kaniyang dibdib. Pinakatitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Sinisipat niya ang hindi namang kalakihang tahi na nasa kaliwang bahagi ng kaniyang tiyan. Bigla na lamang rumihistro ang nakaraan, iyong gabing h-in-old-up siya ng tatlong lalaki. Iyong sakit at hapdi na nararamdaman niya, hindi niya yata iyon maiaalis sa isipan niya. Mabuti na lang at hindi siya tinuluyan dahil kung oo, baka nasa ilalim na siya ng lupa ngayon.

Ibinaba na niya ang laylayan ng damit at ilang segundo pang siniyasat ang sarili bago tuluyang lumabas ng banyo. Gusto na niyang magpahinga kahit na kakagising lang niya. Pagod pa rin siya dahil sa ginawa nila ni Elvin kaninang umaga. Speaking of him, wala na siyang pakialam sa lalaking iyon, bahala siya!

Nang akmang ipipikit na niya ang kaniyang mga mata, narinig niyang bumukas ang pinto, nakakunot-noo niyang iminulat ang mga mata saka tumingin sa direksyon ng pinto. Mula roon, nakatayo si Elvin habang may hawak na isang paper bag. Ilang segundo siya nitong tinitigan bago naglakad at ipinatong ang hawak sa ibabaw ng kama. Kapagkuwan ay tumalikod na ito.

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon