Chapter 9: SPG

19K 482 74
                                    

SUOT ANG BIKINI, naiilang na lumabas si Shanelle sa kuwartong kinalalagyan niya. Mas pinili niya ang bikini kaysa swimsuit kasi hindi siya masyadong sanay sa ganoong attire kaya sapat na ang panty at bra sa katawan niya.

Halos mapatili siya nang makita si Elvin na nakasandal malapit sa pinto. Bumaling sa kaniya ang binata at may pagnanasa iyon sa mga mata.

"You're so sexy, Lane," mahina pero sapat na para marinig niyang anito.

Peke siyang ngumiti. "S-salamat."

Tumango lang si Elvin at nanguna sa kanilang dalawa. Nagpatianod na siya at mabilis na sumunod sa binata pababa sa hagdanan. Nang nasa ikaunang palapag, tahimik pa rin silang naglakad palabas ng isang malaki at mataas na pinto.

Ang lamig ng hangin ang kaagad niyang naramdaman dahil tumama iyon sa kaniyang balat dahilan para magsitayuan ang kaniyang mga balahibo.

"Ayos ka lang ba, Lane?" nagtatakang tanong ni Elvin at hinawakan ang kaniyang braso saka pinihit siya paharap dito. "Are you okay, Lane?" ulit nito.

Naka-angat ang ulo niya sa mukha ng binata habang matamang nakatingin sa asul nitong mga mata. Hindi niya ipagkakaila na dumagdag ang kaguwapuhan ng binata dahil sa kulay ng mga mata nito. Maganda iyon at kapag tumitingin siya, nagkikislapan ang mga iyon. Marahil ay kano ang ama nito o kaya naman kana ang ina. Hindi na bali, hindi na niya kailangang malaman ang bagay na iyon.

Ngumiti siya kapagkuwan ay ibinaba ang tingin sa buhangin. "A-ayos lang ako," aniya.

"You sure?"

"Oo, a-ayos lang talaga ako."

"Okay."

Pagkasabi noon ni Elvin, kaagad nitong binitawan ang braso niya saka nangunang maglakad patungo sa hindi naman kalayuang dagat. Sumunod na naman siya rito, para siyang sunud-sunuran dahil sa ginagawa niya.

Nakapaa lamang silang dalawa kaya ramdam na ramdam ni Shanelle ang mainit na buhangin sa kaniyang talampakan. Hindi iyon alintana sa kaniya dahil wala lang iyon basta't nakatingin siya sa magandang tanawin na nasa harapan niya. Hindi si Elvin kundi ang karagatan.

Nang makarating sila sa dalampasigan, hinarap siya ng binata.

"Marunog ka bang maglangoy, Lane?" tanong nito sa kaniya na ikinalunok niya ng laway.

Oo, maalam siyang maglangoy pero parang hindi niya yata kaya kapag kasama niya ang binata. Isa pa'y naiilang din siya dahil sa nangyari kanina sa balkonahe at hinding-hindi niya iyon makakalimutan. Sana naman ay hindi iyon sineryoso ni Elvin dahil kung oo, baka isipin nitong mahal niya ito pero hindi naman. Hindi niya mahal o gusto ang lalaking nasa harapan niya dahil ginagawa lang niya ito sa ngalan ng perang ibinayad sa kaniya.

Tumango siya at ngumiti. "Oo naman. Ikaw ba, maalam ka bang lumangoy?"

Ngumisi si Elvin. "Oh God, Lane! Of course, I am! Gusto mo bang magpaunahan tayo sa bangkang iyon?" Itinuro nito ang bangkang malayo sa kanilang posisyon.

Nanghahamon ba ang isang ito? Baka hindi nito alam kung gaano siya kagaling maglangoy. Maalam na maalam siya dahil sa probinsya siya nakatira rati at wala siyang ibang ginawa kundi ang maglangoy kasama ang mga kaibigan niya. Kung hinahamon siya nito, aba't sino siya para hindi um-oo? Malakas yata siya sa paglalangoy.

"Sige, tatanggapin ko iyan. Pero anong mangyayari kapag nauna ang isa sa atin?" tanong niya.

Muling ngumisi ang binata at bahagyang naglakad palayo sa kaniya. "Halimbawa, nauna ka at nahuli ako, kung sino ang mahuli ay bibigyan ng consequence. Got it, Lane? Kung nauna ka sa bangkang iyon, you are going to tell me anything and if I won..." May gumihit na ngiti sa mga labi nito at kakaiba iyon. "...just ready your body," dagdag nito na ikinatakot niya.

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon