Epilogue

10.2K 329 189
                                    

Author's Note: Before you proceed, I'd like you to take a deep breath

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's Note: Before you proceed, I'd like you to take a deep breath. Done? You may proceed.

————————————————————

EPILOGUE:

"HUWAG SANANG MAGALIT si Elvin kapag nakita ka niya ulit. Alam kong masakit iyon, iyong iniwan mong sulat sa kaniya kahit na hindi ka naman talaga ang nagsulat. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Sana talaga'y huwag siyang magalit," sabi ng mama ni Shanelle habang papasok sila sa kanilang bahay.

Hindi siya umimik bagkus ay nakatuon lang ang atensyon niya kay Elvin. Ano na bang mangyayari kapag nagkita muli sila ni Elvin? Magagalit ba ito dahil iniwan na lang niya ito ng basta-basta? Na kahit hindi naman niya gusto, magagalit kaya ito? Kapag ba nagpaliwanag siya, papakinggan siya nito? Hindi naman talaga niya gustong iwan ang binata pero nang dahil kay Liyah, wala siyang ibang nagawa. Mas pinili niya ang kanilang buhay kaysa sa lalaking mahal niya. Mas mahalaga pa rin ang mama niya kahit pagbaliktadin man ang mundo. Oo, nagkamali siya na pinili niya iyon— kaysa naman sa mamatay sila.

Hindi na niya namalayan na nakapasok na sila ng bahay. Basta't namataan na lamang niya ang sarili na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kawalan. Tulala siya at talagang wala sa sarili. Malapit na, malapit na silang magkita ni Elvin. Naghahanda na siya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Bahala na, maghihintay na lang siya.

"Natulala ka na riyan, anak."

Napailing siya at tiningnan ang mama niyang nasa harap niya. "W-wala po ito. Medyo sumama lang po ang pakiramdam ko," nangingiti niyang sabi pero ang totoo'y peke lang iyon.

Sino bang hangal ang ngingiti kapag puno ng kung ano-ano ang utak? Si Elvin— ang binata lang na iyon ang nasa utak niya. Lalo pa't malapit na niya itong makita. Isa pa'y ikinatatakot niya ang pagsisinungaling niya. Hindi niya sinabi na buntis siya rito. Nanganak na nga siya ng kambal, ni hindi man lang niya nasabi.

"Sige, anak. Pupunta lang ako ng kusina," nakangiting sabi ng mama niya saka inilagay si Elvis sa kuna.

Tumango lang siya kaya naman kaagad itong nagpatiuna. Malalim siyang napabuntong-hininga saka tumayo at itinabi si Erin kay Elvis. Wala sa sariling napangiti siya nang makita ang dalawa. Magkamukhang-magkamukha ang mga ito, katulad na lang nina Elvin at Levin. Iyong mga mata nito, kulay asul na minana sa ama. Iyong balat, kakulay ng kay Elvin. Talagang anak ito ni Elvin tapos parehas mga guwapo. Huwag naman sana maging katulad ni Elvin ang mga anak niya 'paglaki. Gusto niyang maging mabait ito kaya papalakihin niya ang mga ito ng ayos katulad na lang ng pagpapalaki ng mama at papa niya sa kaniya. Sa edad na 27, nagkaroon na siya ng mga anak at iyon ang pinakamagandang regalong nakuha niya. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang maging kumpleto ang pamilya niya— ang maging maayos ang pagsasamahan nilang lahat.

Naiiling na lamang siyang umupo sa sofa. Tatlong buwan na rin pala ang nakalipas nang ipanganak niya ang magkambal. Masakit iyon pero nang makita at masaksihan niya ang mga ito, nawala ang sakit na nararamdaman niya. Sina Elvis at Erin ang kaniyang lakas para sa lahat. Makita lang niya ang mga ito, napapangiti na lang siya ng malapad.

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon