Chapter 32

6K 351 47
                                    

Mahaba po talaga ang kabanatang ito pero pinutol ko kasi baka tamarin kayong basahin. Don't you worry, I'll post the continuation later. Thank you and enjoy reading!

——————————————————

NAKANGITI SI SHANELLE habang pinagmamasdan ang magandang view sa kaniyang harapan. Nasa rooftop siya at doon niya muna naisipang magpahinga ng ilang oras. Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari iyon sa kanila ng mama niya. Ang pagdukot sa kanila ni Liyah at wala pa silang awang itinapon sa bangin. Mabuti na lang at nakaalis sila kaagad doon dahil kung hindi, baka roon na sila mismo mamatay. Tinupad niya rin ang pangako sa kaniyang mama na hindi na siya pupunta kay Elvin. Kahit ganoon pa man, walang araw ang hindi niya nami-miss ang binata dahil minahal na niya ito kahit papaano. Mas mabuting lumayo na lang siya sa binata kaysa sa mapahamak pa sila ng mama niya. Marahil ay ang paglayo niya ang magiging rason ng panghabang-buhay nilang katahimikan. Sisimulan na rin niyang kalimutan ang binata kahit na masakit sa kaniyang kalooban.

"Anak, handa na ang tanghalian," ani ng isang tinig mula sa kaniyang likuran.

Binalingan niya iyon at nakita niya ang mama niyang naka-apron pa, halatang kakatapos lamang magluto ng kanilang pagkain. Ngumiti naman siya kapagkuwan.

"Busog pa po ako, mama," saad niya rito.

"Ganoon ba? Sige, kapag nagutom ka ay bumaba ka na, ha. Huwag kang magpalipas ng gutom nang matagal dahil masama iyan sa katawan," nakangiting sabi nito.

Tumango lang siya at ganoon din ang ginawa ng mama niya bago umalis sa rooftop. Malalim siyang napahinga ng hangin sa bibig at muling binalingan ang magandang tanawin na nasa harapan niya. Nasa Cavite na nga pala sila at salamat kay Kevin dahil pinatira sila sa bahay nito. Malaki ang bahay at may dalawang palapag at ang rooftop. Sa tulong nito, medyo nakalayo sila sa Maynila kung nasaan ang mga taong nagdadala ng problema sa kaniya... sina Trixie at Liyah. Sa totoo nga'y nahihiya pa silang tumira sa bahay ni Kevin pero pinilit sila ng binata kaya wala na silang nagawa ng mama niya kundi ang tumira. Ilang araw na sila roon at naging tahimik na sila ng mama niya. Ayaw na niya ng gulo kaya nagpakalayo-layo siya.

Alam niya sa sarili na hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya kay Elvin pero alam ng Diyos na nasa taas na wala siyang kinalaman sa lahat. Kung hindi sana dumating si Liyah, magiging masaya pa sana sila pero baka iyon ang nakatadhana. Simula nang sinabi niyang mahal niya rin si Elvin, nangako siyang hindi niya ito iiwan pero mukhang siya ang may mali na hindi naman niya ginawa. Iyong sulat na marahil ay nabasa na nito, oo, aaminin niyang siya ang nagsulat pero kinopya lang niya iyon dahil sa pagbabanta ni Liyah. Bakit ba kasi nabuhay pa ang mga demonyo at demonya sa mundong ito?

"Napakalalim naman yata ng iniisip mo, bakla!"

Nangunot ang noo niya dahil may biglang nagsalita. Nang tingnan niya kung sino iyon, napangiti na lang siya nang makita si Fatima na papalapit sa kaniya. Mabuti pa ito, handang bumiyahe makita lang siya. Talagang napakabuting kaibigan nito. Tumabi si Fatima sa tabi niya at nangingiti siyang tiningnan.

"Bakit naman bumalik ka kaagad? Sayang ang pamasahe mo," malumanay niyang sabi habang nakatingin dito.

Actually, kakabisita lang nito kahapon kaya ganoon na lang ang pag-aala niya sa perang ginagastos nito. Parehas lang din sila ni Fatima na gipit. Mag-isa na itong naninirahan dahil namatay na ang mga magulang nito kaya ganoon na lang kahirap ang buhay nito.

"Gusto lang kitang bisitahin," sabi nito.

"Ayon lang ba? Sabihin mo nga sa akin, sino pa ang pinuntahan mo rito?" Nang-aasar siya ritong tumingin.

"Nasaan si Kevin?" mayamaya pa'y tanong nito.

Gusto niyang humagalpak nang tawa dahil sa sinabi nito. Confirmed! Kitang-kita niya sa mga mata nito na may iba pa itong hinahanap at oo, si Kevin ang naiisip niya. Halata namang gusto ng babaita ang kababata niya na ayos lang naman sa kaniya.

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon