Kabanata 12

752 43 11
                                    

Kabanata 12
Amulet


Maraming mga nagaganap ngayong araw dito sa university, may cheering at ibat-ibang sports competition, naglalaban-laban ang bawat department at nangunguna ngayon ang mga nasa college of engineering, masyado pala talagang competitive ang mga engineering student.

Sa bungad naman, pagpasok ng CPU ay maraming food stall na nakahilera, may ilang booth din ang nagkalat from some department.

Ang booth na inoorganize ng IT departent ang pinakapatok sa mga estudyante, mayroon kasi silang photobooth at film showing na talaga namang hindi nawawala sa tuwing magkakaroon ng event sa university. Mas marami nga lang booth kapag foundation day, nagpapagandahan pa ang mga department sa araw na iyon. Kapag college week ay mas competitive sa sports competition ang mga estudyante.

Kumakain ako ng ice cream ngayon, habang nanonood ng cheering competition, nang bigla ay may kumalabit sa akin, mula sa likuran.

Paglingon ko ay nakatayo sa likod ko si Edwin, nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isa ay pinangkaway niya sa akin.

Bakit mag-isa lang siya?

"Bakit hindi mo kasama si Vincent?" nagtataka kong tanong.

"Iyon nga ang sadya ko." nakangiting sagot niya sa akin.

"Sadya?"

"Actually, kanina pa ako nagbabakasakaling makita ka, muntik na nga akong mawalan ng pag-asa." nilagay nito ang kamay sa batok.

"Bakit mo ako hinahanap?" tumaas ang isa kong kilay, parang may kung anong hiwaga sa mga sinasabi ni Edwin, lagi siyang pabitin, hindi mo tuloy maiwasang macurious at mapatanong.

"Si Vincent kasi, parang sira. May ibibigay raw siya sa iyo, pero hindi naman mabigay bigay, hindi ko alam kung talaga bang nakakalimutan niya o nahihiya lang talaga siyang ibigay sa iyo, tapos kanina ay kinukulit ako kung ano raw ba ang gagawin niya para maibigay niya iyon sa iyo."

"Is it really that hard to give?" tanong ko.

Umiling siya. "For him, yes. Natotorpe kasi sa iyo si Mr. president." anito habang nakangisi.

"Nasaan siya?"

"Nasa SSG quarter. Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko kung ikaw pa ang kailangang manuyo, Dahlia. Saksakan kasi ng torpe."

Nilingon ko ang mga kaibigan kong humihiyaw at nagchicheer sa cheering squad ng department namin, na kasalukuyang nagpeperformed.

Kinalabit ko ang dalawa ngunit hindi man lang ako nilingon. "Maiwan ko na muna kayo saglit," paalam ko sa mga ito.

Nang sabihin kong iiwan ko sila ay doon lamang nagsilingon sa akin.

"Saan ka?" tanong ni Krishna, si Urelai naman ay nakatuon na ang tingin kay Edwin.

"Puntahan ko lang si Vincent." sagot ko.

"May nangyari ba?" tanong naman ni Urelai na nagpasalit-salit ang tingin sa aming dalawa ni Edwin.

"Basta, babalik ako wag kayong aalis dyan, huh?"

"Oo nga, dito lang muna tayo." ani Edwin na pumagitna kay Krishna at Urelai at saka inakbayan nito ang dalawa.


Habang patungo ako sa SSG quarter, ang ilan sa mga nakakasalubong ko ay pinupuri at binabati ako dahil sa naging performance ko kahapon, ang ilan naman ay ginugoodluck pa nga ako, for the coronation night.

Pagdating ko sa harap ng SSG quarter ay kumatok muna ako at pinihit ang doorknob at saka dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Ang tagal mo naman, Edwin. Akala ko ay ini---"

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon