Kabanata 11

718 44 5
                                    

Kabanata 11
Side

Nagkukumahog na tumayo si Vincent mula sa pagkakasalampak niya sa sahig at mabilis na lumayo siya sa akin, nabunggo niya pa nga ang magkapatong na karton sa tabi niya.

"Oh, relax." ani Edwin na nakakalokong nginitian si Vincent. 

"Aayain ko sana kayong kumain doon sa bagong bukas na carinderia, kaso kumakain na pala kayo." dagdag pa niya na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Vincent.

Tumayo na rin ako at pinagpagan ang tuhod ko, at saka kinuha ang pagkain ko na inilapag sa sofa, bago ako naupo rito.

"Masarap?" narinig ko pang tanong ni Edwin kay Vincent

"Outside." kahit puno ang bibig ni Vincent ay nahimigan ko pa ang sinabi niyang iyon, tinulak-tulak niya pa nga si Edwin palabas ng storage room, habang tumatawa naman ang huli.

Naiwan ako rito sa loob nang makalabas na si Vincent at Edwin, kinagat ko ang ibaba kong labi nang maalala ko ang reaction ni Vincent kanina. Ang cute niya, kung hindi nga sana dumating si Edwin ay baka nayakap ko na siya.

Natapos na lang ako sa pagkain ay hindi na bumalik si Vincent dito sa loob ng storage room, naroon pa sa pwesto niya kanina ang burger niyang nakapatong sa plastic, pati ang kanyang softdrink na nakalagay sa plastic cup.

Kinuha ko ang mga iniwan niyang pagkain, isinuot ang backpack ko, pinatay ang electric fan at ilaw at saka ako lumabas na ng storage room.

Paglabas ko ay naroon si Vincent na nakahalukipkip at nakatayo sa tabi ng whiteboard, si Edwin naman ay nakaakbay sa kanya at panay ang tawa, may dalawa pa silang kasamang lalaki na nakangisi rin at nakatingin kay Vincent na nanumula naman ang pisngi.

Mayroon yata silang pinag-uusapan na hindi comfortable si Vincent, at kung ano man iyon ay ayoko na lang alamin.

"Kapag hindi ka tumigil dyan Edwin, masasapak na talaga kita." banta pa ni Vincent sa kasama.

Tumikhim naman ako, dahilan upang mapatingin sila sa akin.

"Salamat sa pagpapagamit niyo ng storage room, pwede ba akong makapag practice ulit dito bukas?" sabi ko.

"Oo naman, walang problema. Diba, Vincent?" ani edwin na tinapik tapik ang balikat ni Vincent.

Vincent rolled his eyes before he looks at me.

"Mag-aala una na, hindi ba at may practice pa kayo?" sabi niya, halatang hindi balak sagutin ang tanong ng kapwa niya officer.

"Oo, papunta na nga ako roon."

Naglakad ako palapit sa kanila at saka inabot ko kay Vincent ang pagkaing naiwan niya.

"Hindi mo na binalikan." sabi ko sa kanya.

Lumunok siya at saka tila nagdadalawang isip na kinuha sa akin ang plastic.

"Baka kasi nabusog na agad ang kaibigan ko." si Edwin na sinisiko si Vincent, habang nakangisi ito.

Ang dalawa pang officer ay nangingiti lang din. Ngiting tila may pakahulugan, ngunit hindi na ako nag-abala pang malaman.

"Maiwan ko na kayo, salamat ulit."

Kumaway ako sa kanila, nakita ko namang umigting ang mga panga ni Vincent at nag-iwas ng tingin sa akin, at nang isasara ko na ang pinto ay narinig kong sabay-sabay na tinutukso ng mga kasama niya si Vincent, sa akin.

Itinakip ko naman ang palad ko sa bibig ko upang magpigil ng ngiti.

Ala-una pasado na nang magsimula ang practice namin sa Auditorium, kaya alas singko na kami natapos. Ilang oras na lang halos ang papasukin ko sa shop, nangangamba tuloy ako kung may kikitain pa ako ngayong linggo, lingguhan kasi ako kung sumuweldo. Mabuti na lang at kahit papaano ay may naiipon ako dahil buwan-buwan din naman akong kumukuha ng allowance bilang scholar.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon