Kabanata 15

820 44 13
                                    

Kabanata 15
Date

Mabilis na lumipas ang mga araw, exam week ngayon at ikalawang araw na. Alas diyes ang simula ng exam namin, pero narito na ako sa school ng alas-otso at mas pinili na dumiretso sa SSG quarter at makapag-review ng mapayapa sa storage room nila, mahirap mag review sa boarding house dahil maiingay ang tao roon, ganoon din sa classroom.

Nakaupo kaming pareho ni Vincent sa lapag, magkatalikuran, sinasandalan ang bawat isa habang tahimik na nagrereview, kanina pa kami nagrereview.

Kaming dalawa lang ang narito dahil alas-otso ang exam ni Edwin, at may isa pa siyang exam pagkatapos non', kaya alas-diyes na rin siya matatapos, dalawang subject daw kasi ang inadvanced nito, irregular student ang isang iyon. Ang ilang officers ay nag eexam na rin ngayon at may dalawang naroon sa main room at nagrereview.

Actually, si Vincent ang nag suggest sa akin na dito magreview, naikwento ko kasi sa kanya na hindi ako makapag review ng maayos sa boarding house, kailangan ko pang hintayin matulog ang lahat bago pumayapa ang paligid, pero kapag ganoong oras ay inaantok na rin ako dahil sa pagod.

Napabuntung-hininga ako, ibinaba ang hawak kong handout at isinandal ang ulo ko, sa likod ni Vincent.

"You're done?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa, sumasakit na ang ulo ko."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Masarap sumandal kay Vincent, sa malapad at mainit niyang likod na nagpaparamdam sa akin ng kaginhawaan.

Kinapa ko ang kamay niyang nakatukod sa kanyang tagiliran at nang matagpuan ko iyon ay ipinatong ko roon ang kamay ko, at saka muling idinilat ko ang aking mga mata, tumunghay sa kisame, sa umiikot na ceiling fan na mukhang hindi na nalinis dahil napupuno na ng agiw, at wala narin gaanong inilalabas na hangin, kaya pala medyo mainit dito.

It's almost one month when Vincent and I started our fake relationship and everyone believes that we're perfect couple, that we're in-love.

Ang sabi ni Vincent noon, gagawin namin kung ano ang ginagawa ng isang couple, pero ultimo date hindi namin magawa, kaya balak ko sana na sa darating naming monthsary ay yayayain ko siyang kumain sa labas.

Shit. May nalalaman pa akong monthsary, alam na ngang fake lang naman ang relasyon naming dalawa.

Since everyone already knows that me and Vincent was in a relationship, wala ng masyadong naglalalapit na lalaki sa akin, ngunit naroon pa rin ang ilan na binabati ako kapag nakakasalubong ko. Katulad na lamang ni Anthony at Rake, nakakabatian ko sila, pero hindi na sila iyong bigla kang lalapitan at makikipagkwentuhan sa iyo, o kaya naman ay yayayain kang lumabas.

Umalis ako sa pagkakasandal ko kay Vincent,  humarap ako sa kanya, lumuhod, inilagay ang magkabilang kamay ko sa kanyang balikat.

Nakataas ang isang tuhod niya, ang kanyang siko ay nakapatong doon at nakapangalumbaba siya, habang ang isa niyang kamay ay hawak ang isang management book.

I feel like I want to embrace him, and so I did. Ipinulupot ko sa leeg niya ang mga braso ko.  Hindi niya ako inawat, ni hindi rin siya umiimik.

"Take a break, I'll teach you something." bulong ko sa kanya.

Namiss ko 'to. Ang akit-akitin siya, nag-eenjoy kasi ako kapag nakikita ko ang reaction niya.

Akala ko ay babalewalain niya ang sinabi ko pero nabigla ako, nang ibaba niya ang kanyang hawak na libro at nilingon ako.

"What's our lesson for today, ma'am?" He sounds like a very obedient student, well he really is, kaya nga siya naging SSG president.

Nauudyukan akong mas lalo siyang akitin dahil sa ginagawa niyang pagsakay sa trip ko, ilang araw din ang pinalampas ko ng walang ginagawa, actually almost a month akong nagpakabait.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon