Kabanata 18

805 40 5
                                    

Kabanata 18
Senyora Marita


Nasa harap na kami ng malaking gate ng Casa de Escarcega, ilang ulit na bumusina si Vincent, bago iyon binuksan ng security guard.

Dahan-dahang ipinasok ni Vincent ang kotse niya sa magarbo at eleganteng driveway nila, tumambad sa mga mata ko ang ganda ng landscape nito, may mga bahagi ang natatapalan ng bermuda grass na maayos na naka-trim, sa center ay mayroon namang malaking fountain.

Magaling ang hardinerong nag-aalaga ng mga halaman dito na magaganda ang tubo, malalago kasi ang mga dahon at berdeng-berde ang mga iyon.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang kabuohang labas ng bahay, hindi maikakali na daang taon ng nakatayo ang Casa de Escarcega, dahil sa lumang estilo nito, it looks like an old spanish house, tignan ko pa lamang ito ay nakakasigurado na akong hindi biro ang mga materyales na ginamit sa paggawa nito, na siguradong ang ilan ay hindi pa nanggaling dito o bihira na lamang mabili.

Ganito ang mga nakikita kong ancestral house ng mga mayayaman sa teledrama at pelikula, ito rin ang unang beses na makakapasok ako sa ganito kalaking bahay. Naeexcite ako, but at the same time ay binubundol din ng kaba ang dibdib ko, dahil sa posibilidad na paghaharap namin ng mama ni Vincent, si senyora Marita. Hinanda ko naman na ang sarili ko roon, ganoon pa man ay hindi ko maitaboy sa damdamin ko ang kaba, palagay ko ay dadalhin ko na ito sa dalawang araw na pamamalagi ko rito.

Muli kong isinuot ang cardigan ko bago ako bumaba ng kotse, si Vincent ay kinukuha naman ngayon sa trunk ang mga gamit namin.

"Ako na dyan." I said as I was trying to get my duffel bag on him.

"Ako na." inilayo ni Vincent ang bag sa akin, ayaw niyang ipabuhat iyon, hindi na rin ako nagpumilit na kunin sa kanya ang bag ko, kung saan ipinalawit ko ang keychain na may pangalan niya.

Napangiti pa nga ako nang makita ko naman sa suot niyang backpack ang keychain na may pangalan ko naman.

"Señorito,"

Napalingon kaming pareho ni Vincent sa matangkad na lalaking nanggaling sa kung saang bahagi ng casa.

Pamilyar sa akin ang lalaki, nakasuot ito ng puti at walang kagusot-gusot na polo shirt. Nagkaroon lamang ito ng bigote at nabalot ng kaunting stubble ang paligid ng mukha nito, pero hindi ako pwedeng magkamali, siya ang driver na kasama ni Vincent noon, noong una kaming magtagpo.

Nagyakap ito at si Vincent, parehong tinapik ang kani-kanilang mga likod at saka kinuha ng lalaki kay Vincent ang bag ko.

"Kamusta ang byahe señorito? Hindi ba kayo nahirapan? May ginagawa kasing daan sa may centro." tanong ng lalaki at saka nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Vincent.

"Hindi naman, siya nga pala," Nilingon ako ni Vincent at hinapit ako sa baywang. 

"Si Dahlia." tipid na pakilala niya sa akin. "Dahlia, si Mr. Tan, isa siya sa mga driver namin dito, but he's my favorite one, partners in crime ko 'yan noon, eh."

Tumango ako at nginitian si Mr. Tan. "Nice to meet you po."

Ngumiti rin ito sa akin. "Kinagagalak ko din kayong makilala, ma'am." pormal nitong sabi at saka lumipat muli ang tingin kay Vincent, nanunudyo ang tingin na ipinukol nito sa amo. "Sa wakas at nagkaroon ka rin ng nobya." anito.

Tumawa si Vincent sa sinabi nito.

"Hindi niyo po ba ako natatandaan, Mr. Tan?" tanong ko rito.

Nagbalik ang tingin nito sa akin, kunot ang noo habang tinititigan ako at nag-iisip. "Sa pagkakatanda ko ay ngayon lamang tayo nagkita, ma'am."

"Kung ganoon ay matanda ka na ngang talaga," biro ko.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon