Kabanata 23

702 31 0
                                    

Kabanata 23
Love sick


"He didn't come to class today, masama ang pakiramdam." ani Edwin nang magpunta ako sa SSG Quarter.

Tapos na ang klase namin at nakakaugalian ko ng pumunta ng SSG quarter pagkatapos ng klase. Minsan dahil nagpapaalam ako kay Vincent na papasok na ako sa part time at minsan ay dahil gusto ko lang silang ayain na kumain.

Nag bathroom break pa si Urelai at Krishna kaya ako lang ang mag-isang nagtungo ngayon dito sa quarter nila Vincent. 

"Sabi ko na nga ba at lalala ang sakit niya, may pasabi sabi pa siyang gagaling na siya ngayon dahil dumadaan lang daw sa kanya ang lagnat sa kanya, psh." napailing ako at sinapo ng palad ko ang aking noo.

Tumawa naman si Edwin sa sinabi ko. "Kagabi nga ay pinapapatay niya sa akin ang aircon dahil mamatay na raw siya sa lamig." kwento nito.

Nag-angat ako ng tingin at nangangambang tinitigan si Edwin. "Anong ginawa mo?"

"Pinatay ko, tapos nag-electric fan na lang ako, inisteady ko kasi iyon din ang sabi niya, kaya kagabi nagkakakutob na akong masama ang pakiramdam niya."

"Ano ang dorm room niyo?"

Tumaas ang isang kilay ni Edwin sa tanong ko.

"Don't tell me---"

"What?" I crossed my arms, pinanlakihan ko pa siya ng mga mata ko na para bang naninindak. "Masama bang bisitahin ko ang boyfriend ko? May sakit siya at walang nag-aalaga sa kanya ngayon and I have the right to do that."

Ngumisi naman si Edwin na tila aliw na aliw sa akin. "Sana kasing maalaga mo rin si Urelai kapag naging kami na."

Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya, pero hindi ko na binara iyon. Si Vincent lang ang nasa isip ko ngayon, nag-aalala ako sa kanya.

"Uminom ba ng gamot iyon?" tanong ko ulit kay Edwin.

He shrugged his shoulders. "Nang iwan ko siya sa dorm kanina bago ako pumasok, nakahiga lang siya, kagabi rin pag-uwi niya, humiga lang siya. Hindi ko pa siya nakikitang bumangon hanggang sa pagpasok ko, kahit nga ako ay nag-alala rin sa kanya."

Huminga ako ng malalim. Kumain na kaya si Vincent?

"Let's go, sasabay ka ba sa amin? Mag titake out na lang ako ng kakainin ko, sabay na kaming kakain ni Vincent, dadalhan ko siya sa dorm niyo." sabi ko at saka humakbang papunta sa pinto, palabas ng quarter.

"Teka!" Tumigil ako sa pagpihit ng doorknob at nilingon si Edwin.

"Mahigpit na pinagbabawal ang babae sa dorm, may guard din doon kaya hindi ka makakapasok." seryosong sabi niya sa akin.

Never pa ako nakapasok sa dormitory nila dahil alam ko ang rules na bawal ang babae roon, but I don't mind breaking the rules if it's for him. He needs me, he needs help.

At hindi ako nangangamba kung may guard man na nagbabantay doon. I can use my convincing skills, at sinisigurado kong kahit gaano pa iyon kahigpit, kaya ko iyong paluwagin.

"Akong bahala." nakangiting sabi ko, at saka hinawi ko ang buhok ko at nginitian si Edwin. "What's the point of my charm?" kampante ko pang sabi sa kanya bago ko siya tuluyang tinalikuran. "Tara na," yaya ko pa sa kanya bago tuluyang lumabas ng ssg quarter, sumunod naman sa akin si Edwin.





Sa isang malapit na carinderia sa labas ng campus kami nagtungo ni Urelai, Krishna at Edwin, dito rin kami madalas na kumain, bumili ako ng lugaw na may itlog, para kay Vincent at rice meal naman ang akin. Mas okay kung mainit na sabaw ang ilalaman ni Vincent sa sikmura niya.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon