Kabanata 27

1.2K 53 15
                                    

Kabanata 27
Huling araw


Ang puting-puting kisame ang tumambad sa paningin ko nang magdilat ako ng mga mata.

"Dahlia,"

Bumaba ang tingin ko at bumaling ako sa gilid ng hinihigaan ko.

"Thank God! You're finally awake," ani Urelai, she looks so worried, while she's standing at the right corner of the bed where I'm lying, sa tabi niya naman ay naroon si Krishna.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

"Ang sabi ni Doctor Corpuz ay naover fatigue ka raw, kaya ka nahimatay." ani Urelai na marahas na bumuntung hininga at hinawakan ang kamay ko. "Dahlia, ingatan mo naman ang sarili mo, marami ka pang pangarap, diba?"

"Kinabahan nga ako kasi akala ko buntis ka na, kung nagkataon ay mas magiging komplikado ang lahat," sabi naman ni Krishna.

Pagak akong tumawa sa sinabi ni Krishna. "Hindi mangyayari iyon, wala pa namang nangyayari sa amin ni Vincent, noon iniisip ko na baka nirerespeto lang talaga niya ako, kaya kahit na may pagkakataon kaming gawin iyon ay hindi nangyayari, pero ngayon malinaw na sa akin... natatakot lang siya dahil baka may sakit akong maisalin sa kanya, kasi mababang uri pa rin pala ng babae ang tingin niya sa akin," muling nag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Wag mo na ngang masyadong isipin iyan, what we need to think about ay kung paano ka makakakuha ulit ng scholarship, kung bakit ba naman kasi ayaw mong magsalita si Vincent tungkol sa issue, involve din naman siya roon,"

Marahan akong bumangon habang umiiling.

"Ayoko na siyang idamay pa, at kung maaari ay ayoko na rin siyang makita pa,"

"Paano na ngayon iyan? Saan ka kukuha ng tuition mo? May part time ka nga, pero hindi sapat iyon!" si Krishna na naupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"Bahala na, kapag nagpatuloy pa itong paninirang puri na ginagawa sa akin ng mga schoolmates natin, baka tuluyan na rin akong lumipat ng eskwelahan,"

"Just don't mind them, Dahlia."

"Kahit pa sabihing hindi ko dapat pansinin ang mga taong nakapalibot sa akin, hindi ko kayang magbingi-bingian sa masasakit na salitang ipinupukol nila sa akin, wala namang problema sa akin kung pisikal nila akong saktan, pero iyong kawalang respeto na ibinibigay nila sa akin, hindi ko iyon kayang tanggapin ng paulit-ulit, pakiramdam ko unti-unti akong bumabagsak at nadudurog sa ginagawa nila, ayoko rin namang idaan pa sa itaas ang problema ko, sa huli ay ako lang din naman ang nadidiin, hindi ako nabibigyan ng sapat na aksyon, dahil isa lang naman akong mahirap na estudyanteng umaasa sa scholarship,"

Nakita kong humikbi si Urelai at saka bigla niya akong niyakap.

"Tutulungan ka namin, we're here for you, hindi namin hahayaan na magkahiwa-hiwalay tayo, hindi ka aalis dito, gagraduate tayo ng sabay-sabay at sabay-sabay din natin aabutin ang mga pangarap natin, Dahlia."

Mapait akong napangiti at marahang hinagod ko ang buhok ng kaibigan ko. "Thank you, Urelai. Kasi sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakahanap ng mga totoong kaibigan na tulad niyo, mga totoong kaibigang hindi ako hinuhusgahan, salamat...hinding-hindi ko makakalimutan na nakilala ko kayo,"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, na para bang iiwan mo na talaga kami." saway ni Krishna na tila nagpipigil ng kanyang emosyon. "Sa lahat ng pasasalamat na narinig ko, iyang pasasalamat mo ang hindi ko gusto." dagdag niya pa.

Natawa ako at pinunasan ang luha ko, marahan din akong pinakawalan ni Urelai, mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin.

"Wag kang susuko agad, Dahlia. Tutulungan ka namin na makahanap ng bagong mapapag-aapplayan ng scholarship." ani Urelai.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon