Kabanata 22

756 33 4
                                    

Kabanata 22
Secret

Umalis kami ng villa, isang oras matapos ang tanghalian. Nasulit naman namin ang oras namin sa villa dahil pagkatapos namin mag-almusal ay ipinasyal ako ni Vincent sa buong villa, kasama si donya Guada na tila hindi nauubusan ng kwento.

Ngayon ay narito kami ni Vincent sa burol, nakaupo sa ilalim ng matandang puno na may malagong dahon at mga sanga, tinatanaw naming dalawa ang payapang karagatan habang nakasandal si Vincent sa puno at nakasandal naman ako sa kanya, habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa akin.

Napapikit ako nang umihip ang malakas na hangin. Alas-dos na ng hapon at nasa katirikan ang araw, ngunit hindi ko iyon gaanong maramdaman, malilim kasi rito sa kinaroroonan namin.

Ganito lang kami sa nakalipas na mga minuto. Tahimik at prenteng ninanamnam ang kapayapaan sa paligid.

"Hugging you is like hugging my comfort, napakagaan sa pakiramdam na kasama ka, Dahlia." ani Vincent na nagpangiti sa akin.

"Are you confessing again? Well, I love you too, Mr. President."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Vincent dahil sa sinabi ko, ako naman ay nanatiling tinatanaw ang dagat, ang mga alon na humahampas sa malalaking tipak ng bato at ang grupo ng mga ibon na malayang lumilipad.

"When did you start loving me?" namamaos na tanong ni Vincent, na tila nagpatayo ng mga balahibo ko sa buong katawan.

"I think...that's when I saw you smile before you left, the first time we met. Remember?" nilingon ko siya, at saka muli kong itinuon ang tingin ko sa makapigil hiningang tanawin sa harap namin.

"I don't know if it's already love, bata pa ako no'n, bata pa tayo, pero sabi ko nga sa iyo---iba sa lahat ang ngiti mo, that smile gives me hope, and on that day, I told myself that someday...I will part of your world, I want to be with you, to smile and laugh with you."

"Bata ka pa nga, pero bakit iyon na agad ang iniisip mo?" natatawang sabi ni Vincent.

I shrugged my shoulders. "I was lost before, but when I met you, I found myself. Sapalagay ko, I don't see myself with you romantically, before, parang---parang gusto ko lang maging masaya, at naramdaman ko iyon noong nakasama kita."

Huminga ako ng malalim. "You know what, people think they love the person just because they made their heartbeat skip a beat,"

"Bakit, hindi ba?"

Umiling ako. "Love comes in many forms, you can't just say that you love someone because your heart beats for them or just because you're happy with them. There are different classes of human, people have their own feelings. I can't define love the way you define it, we don't actually feel the same when we love, but we just have the same thought that we are in love, and that made us connected, we will only find the real feeling while spending time together, just like this."

"Give me your hand." ani Vincent na inilahad ang isa niyang palad, habang ang isa ay nanatiling nakapulupot sa may leegan ko.

Ipinatong ko ang palad ko sa palad ni Vincent.

"Ang laki ng palad mo," namamangha kong sabi.

Ngumiti siya at saka dahan-dahan niyang ipinagsalikop ang mga daliri niya sa daliri ko.

"At least it fits perfectly to hold your hand." aniya.

Itinaas niya ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko at saka nag-angat siya ng tingin, ilang segundong pinakatitigan namin ang isat-isa, nangingislap pa nga ang mga mata ni Vincent.

Hanggang sa mapansin kong bumaba ang tingin ni Vincent sa labi ko, nakita ko ang paglunok at pag-igting ng mga panga niya, binasa pa nga ng dila niya ang kanyang mga labi.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon