Kabanata 5

766 37 2
                                    

Kabanata 5
Usap

Pagkatapos ng second class namin ay agad akong hinila ni Krishna, patayo sa kinauupuan ko.

May kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga classmates namin nang dalhin ako ng dalawa kong kaibigan sa likod, pinaupo nila ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ng bintana, pareho namang nakatayo sa harap ko ang dalawa. Nakapamaywang si Krishna at si Urelai naman ay nakacross arms.

Para akong kriminal na nahuli at kailangang iinterrogate.

"Sagutin mo nga kami, Dahlia. First, what happend last night. Second, what's the reason why you wasn't able to attend our first class and third, what is it about you and Vincent, may nakakita raw na naghahalikan kayo kanina?" sunud-sunod na tanong ni Urelai, na tinaasan pa ako ng kilay.

Sinapo ko naman ng palad ko ang aking noo.

Ang bilis nga naman kumalat ng tsismis.

Bakit ba naman kasi naisipan kong halikan si Vincent? Sa harap pa ng mga officers na kagaya niya at sa public place pa na tulad ng gazebo, na nasa gilid lang ng football field.

"Dahlia? Should I repeat my questions?" tila naiinip na sabi pa ni Urelai.

Bumuntung hininga muna ako at saka nagsalita.

"Naparami ang nainom ko kagabi, si Vincent ang naghatid sa akin sa boarding house, hindi ako nakapasok sa first class dahil alanganin na ako nakagising, pagdating ko rito sa school ay nakita ko si Vincent kasama ang iba pang officers, nag-thank you ako sa paghatid niya sa akin kagabi...k-kaya hinalikan ko siya."

"Hinalikan mo siya? Ikaw ang nanghalik?" gulat at hindi makapaniwalang bulalas ni Krishna.

Inilagay ko naman ang hintuturo ko sa tapat ng bibig ko. "Ang ingay mo!"

Hindi nagsasalita si Urelai, pero nakikita ko ang malalim na guhit sa pagitan ng kanyang mga kilay.

"Nagpasalamat ka lang, may kasama pang halik? Sa labi pa. Tama ba iyon, Dahlia?" aniya nang maprocess na yata niya ang sinabi ko. "At sa harap pa ng mga officers? You're out of your mind," umiling-iling siya. "Hindi mo ba inisip ang sasabihin ng marami, dahil dyan sa ginawa mo?"

Nauunawaan ko kung bakit ako pinagagalitan ng mga kaibigan ko, na para bang isa akong bata at magulang ko sila na sinesermunan ako. They're just a concerned friends and I really appreciate it. Hindi sila iyong kaibigan na itotolerate pa ang ginawa mo, kahit ikaw mismo, alam na mali iyon.

Napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko na may mahahabang kuko at may itim na nail polish.

Hindi ako makatingin sa mga kaibigan ko.

"Siguro nga mali rin kami, dahil sinuggest namin sa iyo na lambingin mo si Vincent," ani Krishna.

Tumaas naman ang kilay ni Urelai at hinarap si Krishna. "FYI, ikaw lang ang nagsuggest nyan, no!" kontra nito.

"At sinang-ayunan mo naman. Hindi ka tumutol sa sinabi ko, hindi ba?"

Sinapo ko muli ng palad ko ang aking noo.

"Oo na, sumang-ayon ako. But what she did is too much." pagsuko ni Urelai, at saka siya muling bumaling sa akin.

Pinapungay ko naman ang mga mata ko. "I'm sorry. I just couldn't help myself. Naoverwhelmed lang ako sa ginawa niyang paghatid sa akin kagabi."

"Control yourself, Dahlia. Ikakasira mo 'yang impulsive action mo, sige ka. You know we're here to help you. Kung gusto mo naman talagang mapalapit kay Vincent ay tutulungan ka namin, you have to think of your actions, first." si Urelai.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon