Kabanata 7

883 31 2
                                    

Kabanata 7
Sabay




Nakapamaywang ang isang kamay ni Betina, ang isa naman ay inaangat ang mga takip ng pagkaing nasa gitna ng mesa, nakataas pa nga ang isa niyang kilay, nakabusangot ang mukha.

Parang pinaligo niya yata ang pabango niya dahil humahalimuyak iyon, amoy prutas at hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang amoy no'n, because I like fruity scent.

"Nasaan iyong pansit canton ko, Renalyn?" paasik na tanong ni Betina.

Napapiksi si Renalyn sa tabi ko. "Ay, gagsti! tsk, tsk, tsk!" umiling pa ito at sinapo ng kanyang palad ang noo. "Kaya pala parang may nakalimutan ako kanina." nag-angat siya ng tingin kay Betina, ngumisi siya rito at kinamot ang ulo niya. "Pasensya, naibigay ko kay Dahlia, akala ko kasi sobra kanina."

Nakalawit pa sa bibig ko ang noodles nang mag-angat ako ng tingin kay Betina, masama ang tingin nito kay Renalyn, kulang na lang ay umusok sa galit ang ilong nito, nanginginig ang buong katawan.

"Ano ng kakainin ko?" Lumipat ang tingin nito sa akin na para bang ako ang sinisisi niya, na para bang kasalanan ko na nawalan siya ng makakain.

"Nag-ambag ba iyang babaeng iyan?" nakatingin si Betina kay Renalyn pero dinuro niya ako. "Ibalik mo iyong inambag ko!" Parang batang maktol niya pa kay Renalyn.

"Wag kang mag-alala, Betina. Ako na ang magbabalik ng inambag mo." mariin kong sabi.

Akala mo naman ay napakalaking pera ng nawala sa kanya.

"Aba'y dapat lang." pinag-krus niya ang kanyang mga braso. "Ikaw naman ang nabusog sa dapat na kakainin ko, eh. Akin na, at magpapabili na lang ako ng sopas sa labas." bulalas nito habang nakalahad ang palad.

Dumukot ako sa bulsa ko ng pera, nasabi sa akin ni Renalyn na kinse pesos ang ambagan nila.

"Alam mo ikaw, Betina. Kahit hindi naman bingi ang kausap mo, ang lakas-lakas nong magsalita." sabi ko sa kanya at saka inabutan ko siya ng bente pesos dahil wala akong barya.

"O, ayan. Keep the change."

Nakasambakol ang mukha niyang kinuha ang perang inabot ko, inirapan pa nga ako ito at tinalikuran, at saka mabibigat ang mga paa nitong naglakad palabas ng boarding house, mayroon pa nga itong tuwalya sa ulo niya.

Siguradong mag-uutos na naman 'yan sa isa sa mga lalaking makikita niya sa labas 

"Kaaway mo na naman si Betina?" si Rodora na kararating lang dito sa komedor. Kumuha siya ng tinidor at walang paalam na sumandok ng pancit canton sa plato ko.

"Hindi na bago iyan. Mortal enemy naman iyang dalawang iyan, eh." humahagikgik na sabi ni Renalyn.

"Ikaw naman kasi, bakit mo kinalimutan?" natatawang sabi ko.

"Nawala talaga sa isip ko." kakamot-kamot ng ulo na sabi ni Renalyn.

Hindi kami araw-araw na nagkakadaupang palad ni Betina sa umaga dahil minsan ay nagigising akong wala na siya.

Maganda ang trabaho nito, isa itong bank teller. Taga-Maynila siya at hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng magagandang trabaho sa maynila at sa lumalagong ekonomiya roon ay dito siya napadpad sa iloilo.

Kung wala siya ay walang madalas magreklamo at mag-inarte rito. Nakakainis ang feeling rich na attitude nito, pero kahit ganoon ay nag-eenjoy naman ako dahil madalas ko siyang nababara, gustong-gusto ko nga kapag nakikita kong naggagalaiti na sa galit si Betina, pakiramdam ko'y nakakaganti ako sa mga taong kinakaya-kaya niya, mahilig kasing mangmata ang babaeng iyon, kaya marami ang lihim na naiinis sa kanya.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon