Kabanata 10

898 41 2
                                    

Kabanata 10
Storage Room


"Umamin na ba?" tanong ni Renalyn na sinalubong ako pag-akyat ko, inakbayan pa ako nito.

Masyado siyang interested sa love life ko, hindi ko nga pinansin, hanggang sa makarating kami sa sala at pabagsak akong naupo sa sofa.

Naiirita ako sa presensya ng mga kasama ko na pinalilibutan ako, para silang mga batang nag-aabang na bigyan ko ng candy.

Isa-isa ko silang tinignan ng masama. Ang ilan ay nakaupo sa carpet at ang iba naman ay nakatayo pa sa harap ko.

"Ano bang pinagsasasabi niyo kay Vincent, huh?"

"Tinanong lang naman namin siya ng kaunti," nakangising sagot ni Renalyn.

Hindi ako naniniwala na kaunti lang ang tanong nila kay Vincent, naririnig ko kanina habang kumakain, na kung anu-anong pinupukol nilang tanong sa kanya, mukha ngang litong-lito na ito kung ano ang uunahing sagutin.

"Nag I love you na ba sa iyo?" intrigerang tanong naman ni Manilyn.

I rolled my eyes. "I love you ka dyan, dyan na nga kayo!"

Tumayo ako para takasan ang mga tanong nila, ngunit nahablot ni Renalyn ang pulsuan ko.

"Dito ka muna, magkwentuhan muna tayo."

"Inaantok na ako." sabay bawi ng kamay ko sa kanya..

Napaungot ang lahat. "Ang daya mo Dahlia!"

Mabuti na lang at wala pa si Rodora dahil siguradong isa ito sa mga mangungulit sa akin at siguradong hindi niya ako tatantanan. Tiyak din akong wala pa si Betina dahil kung maririnig niya ang mga tuksuhan ngayon ay siya ang numero unong aawat, siya ang basag trip ng lahat.

Pagpasok ko sa kwarto ay padapa kong ibinagsak ang sarili ko sa kama, gusto kong magpamasahe kay Rosita o kaya ay kay Manilyn, kaya lang ay siguradong babatuhin lang ako ng mga tanong ng mga iyon.

Ayoko munang magkwento kahit kanino, tungkol sa sinabi ni Vincent kanina, ayokong mahaluhan ng ibang opinyon ang isip ko ngayon. I have to think about it on my own, at napakagulo ng isip ko sa mga oras na ito, maraming katanungan na bumabagabag dito.

Una, bakit biglang tinanggap ni Vincent ang offer ko na iyon sa kanya?

Dahil ba, gusto lang niyang patunayan na hindi siya bakla o para pagtakpan ang tunay niyang pagkatao, katulad ng sinabi ni Anthony.

Pero hindi ako naniniwalang bakla siya, malakas ang radar ko sa mga bakla at hindi ko masense kay, Vincent iyon. Pwera na lang kung magaling talaga siyang magtago, basta! Hindi ako naniniwalang bakla siya.

Iniisip ko rin na baka may pinaplano si Vincent, laban sa akin o kaya naman ay maaaring nahuhulog na pala siya sa akin at gusto niyang magkalapit kaming lalo.

Lahat iyon ay palagay ko lang naman.

Kaya gustuhin ko mang magsaya na tinatanggap na ni Vincent ang offer ko sa kanya, natatakot naman ako sa dahilan niya at natatakot ako para sa sarili ko.

Baka sa huli, ikadurog lang ng puso ko ang kahihinatnan ng pagpapanggap naming pinaplano.


Hindi ko alam kung anong oras na, nang maalimpungatan ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kanina, dahil sa kaiisip.

Madilim ang buong kwarto, naririnig ko ang humihilik kong mga kasama at ang ingay ng dalawang electric fan na gamit namin. Ang isa ay nasa kisame at ang isa ay nasa pinto.

Wala akong balak tumayo pero nakaramdam ako ng uhaw, kaya bumangon na ako at lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ay may ilan pa akong boarders na naabutang gising at abalang gumagawa ng project, thesis at report, karamihan kasi sa amin na nakatira rito ay mga college student.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon