Kabanata 21

686 36 5
                                    

Kabanata 21
Contented


Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kisame, pagkatapos akong ihatid ni Vincent sa silid ko.

Alam kong may tama na ako, pero matino pa naman ang isip ko, at hindi ko pinagsisisihan ang pag amin ko kay Vincent, sa tunay kong nararamdaman, ang nagpapabagabag sa akin ngayon ay ang mga sinabi niya.

Is that a confession or just a confusion?

I want to believe that what he said is a confession, because I can feel it, we feel the same.

Geez. Why didn't he just said it straight to the point? Sana sinabi na lang niya na mahal niya rin ako. Direkta, walang paligoy-ligoy.

****
"Come on, ihahatid na kita sa itaas, magpahinga ka na." yaya ni Vincent sa akin na hawak pa rin ang kamay ko, ngunit wala na iyon sa dibdib niya.

Tumayo siya at tumingala sa madilim na langit at saka huminga ng malalim.

"What does it mean?" tanong ko sa kanya.

Tila iniiwasan niyang sagutin ang tanong ko nang binitawan niya ang kamay ko at pinulot ang high heels kong itinapon kung saan.

"Isusuot mo ito or you want me to carry you?" aniya.

Tumayo ako para kuhanin sa kanya ang sandals ko, at saka muling umupo sa gilid ng fountain at isinuot iyon.

Tinulungan naman ako ni Vincent at pagkatapos no'n ay hindi na niya nabanggit pa sa akin ang mga napag-usapan namin.

He doesn't want to confirm it, but why? May pumipigil ba kay Vincent?

****


Kinabukasan ay maaga akong nagising. After doing my morning routine ay lumabas na ako sa silid ko, naghahanap na kasi ng mainit na kape ang sikmura ko. Ayoko naman abalahin si Vincent sa pagtulog, nang ihatid niya kasi ako sa silid ko ay palagay ko, bumalik pa siya sa party.

"Magandang umaga po, manang Zenda." bati ko sa matandang katulong ng mga Escarcega, nasa kusina siya at nagluluto.

"Anong gusto mong almusal?" tanong nito sa akin sa halip na batiin ako.

Sa tono pa nga ng pananalita nito ay para bang ang sama ng loob niya.

Napangiti na lamang ako, ano nga ba ang aasahan ko kay manang Zenda, katulad din naman siya ng senyora na hindi ako gusto.

"Ano po bang makakain?" tanong ko.

"Heto at nagluluto pa lang ako, maya maya pa kasi ang gising ng mga Escarcega. Ang akaal ko nga'y mamaya pa rin ang gising mo."

"Sige po, hihintayin ko na lang ang ihahanda niyo manang, gusto niyo po bang tulungan ko kayo?"

Inirapan ako nito. "Hindi na, kaya ko ito. Trabaho ko ito."

Hindi ko na lamang pinansin ang pagtataray nito sa akin, sa halip ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. "Nasaan po pala ang mga tasa niyo, manang?"

Nilingon ako nito ng nakataas ang isa niyang kilay. "Bakit? Anong gagawin mo?"

"Magtitimpla po ng kape."

"Ako na, hindi namin hinahayaan na kumilos ang mga bisita rito."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni manang, nagpatuloy sa pagligid ang mga mata ko upang maghanap ng tasa, naisip kong buksan ang mga cabinet sa ilalim ng lababo at doon ay nahanap ko ang mga puting tasa, mga baso, plato, platito, mangkok at ilang utensils.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon