Kabanata 17

788 41 3
                                    

Kabanata 17
Pan De Azucar



"Ininvite ako ni Vincent na sumama sa kanya sa birthday ng mama niya this weekend." kwento ko kay Krishna at Urelai habang naglalakad kami patungong faculty.

Nasa likod namin si Edwin at Vincent, nagkukwentuhan ang dalawa.

"That means, makikilala mo na ang buong angkan niya?" si Urelai.

"Siguro." kinagat ko ang ibaba kong labi.

Kinikilig na siniko naman ako ni Krishna. "Legal na legal na talaga kayo niyan kapag naipakilala ka na niya sa mama niya, wag kang makakalimot na mag kwento, huh."

"Syempre naman, pero alam niyo...kinakabahan ako. Kasi...diba, mayayaman ang Escarcega, natatakot ako na baka may magawa akong kapalpakan sa harap nila, nakakahiya."

Tinapik ni Urelai ang balikat ko. "Basta relax ka lang, hindi naman kumakain ng tao ang pamilya ni Vincent. Isipin mo na lang na normal lang din naman sila, mababaho ang utot at bad breath sa umaga."

Naghagikgikan kami sa sinabi ni Urelai.

"Anong pinagtatawanan niyo dyan?" tanong ni Edwin.

Nilingon naman siya ni Urelai at matalim na tinignan. "Usapang babae 'to, babae ka ba?" aniya sabay irap.

"Ang cute talaga ng Urelai ko!" dinig ko namang sabi ni Edwin. 

Hindi na umimik si Urelai, pero namumula ang pisngi nito at nanghahaba ang nguso.

"Vincent, nabasa mo na ba iyong mga complaints ng ilang students sa trial website na ginawa natin?" ani Iya, isa sa mga SSG officer, nasalubong namin ito habang naglalakad kami sa hallway.

Umiling si Vincent at sumeryoso ang mukha nito. "Nasa quarter ba ang iba?" tanong niya kay Iya.

Tumango ito.

"Ku po," si Edwin na nasapo ng palad ang kanyang noo, ngunit ang isang braso ay nanatiling nakaakbay kay Vincent. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko, gagawin lang complaint section ng mga estudyante ang website na iyon."

"Let's talk about it, kailangan ko rin ang opinyon niyo sa bagong rules and regulation from the main." si Vincent na nasa mukha ang pagkabahala.

"Hindi ako pwede ngayon, may exam pa ako." ani Iya.

"Sige after ng exam mo pumunta ka sa quarter."

Muli ay napatango si Iya kay Vincent bago ito nagpaalam ng umalis.

"We have to go. Dahlia, daanan mo muna ako bago ka umalis, huh?" ani Vincent sa akin.

Tumango naman ako at saka sila pumasok na ni Edwin sa SSG quarter.

"Bye, Urelai." kumakaway na paalam ni Edwin bago isinara ang pinto.



Napasuntok ako sa hangin paglabas ng faculty, ngiti naman ang isinalubong sa akin ni Urelai na nakatayo sa isang tabi.

"Approved?" tanong niya habang papalapit ako sa kanya.

Nginitian ko siya at saka tumango.

Bumuntung hininga ang kaibigan ko. "Mabuti naman, how 'bout Krishna?"

Speaking of Krishna, sabay kaming napalingon ni Urelai nang lumabas ito ng faculty, malapad ang ngiti. Parehong na-approved ang proposal namin.

"Kinabahan ako ng very light kanina, nakakunot ang noo ni ma'am habang binabasa iyong proposal ko, akala ko ay hindi niya tatanggapin." kwento ni Krishna habang nakahawak sa dibdib niya.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon