Kabanata 13

745 37 10
                                    

Kabanata 13
Can I try?


"Iyong mga babalik ng campus, sumabay na kayo sa amin." yaya ng adviser namin na si ma'am Lorena Isidro, nagpasya na kasi kaming magsiuwi na, mag-iisang oras na rin kasi kaming nagkukwentuhan, nawala rin sa loob ko na hihintayin nga pala ako ni Vincent.

"Ikaw naman Dahlia, sumabay ka na kanila ma'am Thelma," dagdag pa ni ma'am Isidro.

"Oo nga, Dahlia. Sumabay ka na sa amin, kasyang-kasya naman tayo sa van," wika ng mabait naming dean na si ma'am Thelma Buscayno. May sarili itong bahay na inuuwian.

"Hindi na po." nahihiyang tanggi ko.

Nagtatanong naman nila akong tinignan.

"M-May kasabay po kasi ako."

"Sino?" si Urelai na nakataas ang isang kilay.

Ang iba naming kasama ay nanatiling nakatingin sa akin, nag-aabang sa isasagot ko.

Kinagat ko ang ibaba kong labi, hindi ko alam kung bakit ako nahihiyang sagutin ang tanong ni Urelai, hindi ko ikinahihiya si Vincent, nakakaproud nga na maidikit ang pangalan mo sa isang katulad niya, siguro ay ayoko lang na mabuyo nila kami dahil baka hindi rin gusto ni Vincent iyon, napakabugnutin pa naman ng isang iyon.

"O siya, tara na. Inaantok na raw si ma'am Thelma, alas-onse na." natatawang sabi pa ni ma'am Isidro.

Napabuga ako ng malalim na buntung hininga, mabuti na lang at hindi na lang at hindi nila ako pinilit na tanungin kung sino ang kasabay ko.

"Nandyan na ba ang kasabay mo, Dahlia?"  tanong  sa akin ni ma'am Buscayno.

Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung nariyan pa nga bang talaga si Vincent, bahala na kung walang makasabay, may masasakyan naman.

Nang lingunin ko si Urelai at Krishna ay hindi umiimik ang mga ito, pero nasa mga paninitig nila ang nag-uusisang tanong na may bahid pa ng pang-aakusa.

Bago kami lumabas ng private room namin ay muli akong pinaulanan ng pagbati ng mga kasama ko, at saka naramdaman kong siniko ako ni Urelai.

"Sinong kasabay mo?" aniya.

"Naglilihim ka sa amin, Dahlia?" mahinang tanong  naman ni Krishna.

Nahihiyang isinukbit ko sa likod ng aking tenga ang tumakas na ilang hibla ng buhok.

"Si Vincent." sagot ko.

Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawa, magsasalita pa nga sana si Urelai pero isa-isa ng nagsilabas ng room ang mga kasama namin.

"Ikwento mo iyan, huh." ani Krishna.

Ngumisi naman ako at alanganing tumango.

Paglabas namin sa pinanggalingan naming room ay inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuohan ng restaurant, hinanap ng paningin ko ang mesa kung saan ko nakita sila Vietta kanina, wala na sila roon.

Muli akong kinabahan, mukha yatang nakalimutan na talaga ni Vincent na hintayin ako o baka hindi niya na ako hinintay dahil nainip siya, pwede rin na inakala niyang nauna na ako, pero imposible naman dahil alam niya naman kung nasaan ako, kung sana ay kinatok niya kami kanina para alamin.

"Nasaan si Vincent?" tanong ni Urelai.

"B-Baka nakauna na."

"Akala ko ba'y kasabay mo siya, sumabay ka na lang kanila ma'am Buscayno." si Krishna.

"Paasa naman pala ang isang iyon," dagdag pa ni Urelai.

Nang makalabas kami ng restaurant ay handa na sana akong kausapin si ma'am Buscayno para sumabay na lang sa kanila, nang bigla ay matanawan ko si Vincent na lumabas sa asul niyang honda civic, nakaparada lamang pala sa tapat ng restaurant iyon, katabi pa nga iyon ng van na ma'am Buscayno na sinakyan namin kanina patungo rito.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon