Kabanata 16

710 47 12
                                    

Kabanata 16
Case study

Minsan, may mga bagay talagang nangyayari ng hindi mo inaasahan, iyong wala ka namang ginawang plano, pero maganda ang kinalabasan, just like our unexpected date.

I will never forgot my first date with Vincent, because that was also the moment I shared him the most painful part of my life. Nang gabing iyon ay marami pa akong naikwento sa kanya tungkol sa buhay ko, habang naglalakad-lakad kami sa park para maghanap ng makakain, at habang nasa loob kami ng sasakyan niya, nakikinig ng love confession sa isang radio station.

Nothing so extravagant happened that night, but to felt his sympathy, sincerity and willingness to be with me and listen to all my dramas, I realized even more, that he's the one, the man that I really want to spend the rest of my life.

Isinilid ko sa pouch ang amulet na ibinigay sa akin ni Vincent at saka inilagay ito sa bulsa ko, araw-araw ay parati ko na itong dala-dala, kapag nakakalimutan ko nga ito ay hindi ko maiwasang mangamba, parang tumatak na sa isipan ko na ang amulet na ito ang magpoprotekta sa akin laban sa mga bad spirit o kung ano pang negative elements na gustong dumikit sa akin.

"Kailan ba bibisita ulit dito si Vincent, Dahlia? Kung kailan naman naging boyfriend mo na ang isang iyon, 'tsaka naman hindi na dumadalaw dito." ani Renalyn na nakatapis lamang ng tuwalya, may tuwalya rin siya sa ulo.

Kumakain kami ngayon, pinapalamanan niya ng pansit canton ang pandesal niya, ako naman ay isinawsaw sa kape ko ang pandesal na pinalamanan ko ng reno.

"He's busy." tipid ko na lamang na sagot sa kanya kahit ang totoo ay ayoko talagang padalawin si Vincent dito sa boarding house dahil nahihiya ako sa mga kasama ko.

Last time na pumunta si Vincent dito ay dinaig pa yata nila si Cristy Fermin at Boy Abunda kung gisahin si Vincent at hindi ko na hahayaan na maulit iyon.

"Busy ka dyan, ayaw mo lang papuntahin iyon. Ikaw talaga, masyado mong pinagdadamot sa amin si tisoy,"

Nginitian ko lang si Renalyn at saka sumimsim ng kape sa tasa ko.

"Hindi ka naman namin sisiraan sa kanya, last time na pumunta nga iyon dito ay halos ipamigay ka na namin sa kanya, dapat nga nagpapasalamat ka sa amin dahil kung hindi namin iyon pinilit na ligawan ka ay hindi pa siguro iyon kikilos, napakatorpe."

"Thank you." sabi ko na lang. "Siya, mauna na ako."

Isinuot ko na ang packpack ko at kinuha ang tatlong librong inilapag ko sa mesa, mga librong hiniram ko sa library dalawang araw na ang nakalipas, naghahanap ako ng case study na gagamitin ko sa thesis namin sa management.




Habang naglalakad ako papunta sa building namin ay saglit akong napahinto, nang sa di kalayuan ay natanaw ko si Vincent.

Tila may kung anong tumusok sa dibdib ko nang makita kong may kasama siyang babae habang naglalakad, nursing student iyon based on her uniform. Ang lapad ng ngiti ni Vincent, bakas ang saya habang kasama niya ang babae.

Dumiin ang hawak ko sa mga dala kong libro habang sinusundan ko sila ng tingin, naninikip ang dibdib ko habang bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi, kasama si Vincent.

Kung todo comfort pa siya sa akin last night, tapos ngayon mukhang may iba na naman siyang kinocomfort ngayon.

Huminto ang dalawa sa tapat ng Loreto d Tupaz building, kumaway ang babae kay Vincent habang naglalakad ito palayo, si Vincent ay nanatili lang sa harap ng building, at nang tuluyan ng makapasok sa loob ang babae ay tsaka lamang siya ulit naglakad.

Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad, pilit kinalimutan ang mga nakita ko, tinanggal ang malisya sa isip ko.

"Dahlia!"

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon