Kabanata 24

819 35 2
                                    

Kabanata 24
Thesis



"Okay lang naman sa akin kung sa boarding house niyo tayo." ani Vincent habang nag dadrive siya, sinundo niya ako sa shop, pagkatapos ay kumain kami ng hapunan sa isang fastfood restaurant, at ngayon ay patungo na kami sa dorm nila, ngayon kasi namin sisimulan ang thesis ko.

"Hindi tayo makakapag focus doon, napakaingay parati sa boarding house." sabi ko sa kanya.

"Para kaming laging nasa palengke kapag magkakasama, laging may nag-aasaran, naghaharutan at naghahalakhakan. Kapag tulog lang napapayapa ang boarding house, palibhasa ay kami-kami lang talaga ang nasa bahay dahil nakabukod sa amin ang may ari no'n." kwento ko pa sa kanya.

"Diba, karamihan sa inyo na nakatira roon ay college student? Paano nila nagagawa iyong mga school activities nila?"

"Iyong iba, nag oovernight sa kaklase nila at minsan naman hinihintay na lang nilang makatulog ang lahat sa amin, at saka sila nagsisimula, halos magdamag silang gising."

Napailing-iling si Vincent sa sinabi ko.

Pagkatapos maipark ni Vincent ang sasakyan niya ay kinuha muna niya sa trunk ang mga gamit ko, at saka agad kong kinuha ang kamay niya at hinila siya, papunta sa dormitory nila.

"Dahlia, dahan-dahan." saway ni Vincent sa akin. "Ako muna ang mauuna." sabi pa niya.

Marahan at maingat kaming pumasok ni Vincent sa gate ng dormitory, ng hindi napapansin ng security guard na nakabantay sa main entrance. Abala sa pagkain ng kanyang late ng dinner ang guard, napansin ko pa ngang hindi ito ang guard na nakausap ko no'n, isang linggo na ang nakalipas.

Naging magandang pagkakataon naman para sa amin ang pagiging abala ng guard ngayon, madali kaming nakaliko ni Vincent papunta sa gilid ng dormitory, kung saan naroon ang daan na itinuro sa akin ng guard na napakiusapan ko no'n.

Pagdating namin sa tapat ng pinto na papasukin namin ay nakita ko sa mukha ni Vincent ang natinding pangamba, naiintindihan ko naman siya kasi si Vincent iyong tipo ng tao na parating nakasunod sa mga rules, lumaki siyang ganoon, he's very obedient at para sa kanya ay isang malaking kasalanan ang hindi pagsunod sa mga batas, kahit na anong klaseng batas pa iyon.

"Delikado talaga 'tong ginagawa natin, Dahlia." aniya. "Nag-aalala ako para sa iyo, ikakapahamak mo 'to."

"Don't worry, hindi tayo mapapahamak."

"Psh. Okay lang sana kung ako lang, eh"

"Wag kang mag-alala sa akin, nakapunta nga ako sa dorm room niyo ng hindi nahuhuli, eh. Magagawa ko ulit iyon." assurance ko pa sa kanya.

"Wag kang pakampante, ilang beses kitang nahuling gumagawa ng kalokohan sa loob ng school property noon, kasama ang barkada mo."

Kinagat ko ang ibaba kong labi at napangiti sa sinabi ni Vincent. "Ikaw naman ang nakakahuli, eh. Hindi mo naman ako huhulihin ngayon, hindi ba?"

Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya at saka bumuntung hininga.

Last week pa namin napagplanuhan na sa room nila kami ni Edwin gagawa ng thesis, at last week pa tutol si Vincent doon, though wala na talaga kaming choice.

Pumasok din naman sa isip ko, na sa SSG quarter na lang kami gumawa, that's actually our first choice, kaya lang ay isinasara pala ang faculty at quarter every weekend. Kaya wala ng ibang option kung hindi sa dorm room nila gumawa ng thesis.


"Uy, Vincent!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang bumati kay Vincent ilang hakbang paglabas namin galing sa secret passage, suot ko ang malaking gray hoodie ni Vincent, habang nakaakbay siya sa akin, yumuko ako para hindi makilala ng lalaking bumati sa kanya.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon