Kabanata 3

868 37 4
                                    

Kabanata 3
Alone

"Thank you, ma'am." matamis na ngiti ang ibinigay ko sa last customer namin, pagkatapos kong maibalot ang pinamili nito.

Siniko naman ako ng kasamahan kong cashier na si Fely, habang sinusundan ko ng tingin ang papalabas na customer.

"Is that your boyfriend outside, Dahlia?" ani Fely.

Kumunot ang noo ko at lumipat ang tingin ko sa glass wall ng shop. Natanaw ko sa labas na nakatayo sa harap ng shop si Anthony, nakapamulsa ang kanyang mga kamay, nakita ko pa ngang tinignan niya ang oras sa kanyang wrist watch.

"Mukhang may hinahanap siya dito, eh. Panay kasi ang silip. Hindi naman pwedeng ako ang tinatanaw niyan, pero kung nauna 'yang nanligaw kay Aaron, baka iyan ang sinagot ko."

Napangiti ako sa sinabi ni Fely. Sinasabi niya lang iyan, pero loyal iyan sa boyfriend niya, kahit nasa hongkong si Aaron at nagtatrabaho bilang caregiver.

Lalabasin ko na sana si Anthony, pero nang tumingin siya rito ay sumenyas na lang akong pumasok siya rito sa loob.

Habang papasok si Anthony ay panay naman ang yugyog ni Fely sa braso ko, kinikilig ang bruha at panay pa ang murmur ng kung anu-ano, hindi ko maintindihan.

"Ang pogi!" parang constipated na sabi pa niya, namimilipit kasi sa kilig ang kanyang boses.

Anthony, looks like a model. Diretso at taas noo iting naglalakad, napaka-confident niyang tignan.

"Hi." bati ni Anthony sa akin nang makalapit siya rito sa counter. Ipinatong niya pa ang dalawa niyang braso sa counter top at nalapad akong nginitian.

"I'm here to pick you up. Tapos ka na ba? Kung hindi pa naman ay hihintayin na---"

"Don't worry, magsasara na rin kami."

"Sige na, Dahlia. Ako na ang bahala rito. Magpalit ka na. Mukhang may date kayo, eh." nakangising sabi ni Fely. Obviously, ibinubuyo niya ako kay Anthony.

"We're just going to celebrate their victory, nanalo kasi ang basketball team nila. It's not a date." paliwanag ko.

Hindi pinansin ni Fely ang sinabi ko. Nakatingin lang ito kay Anthony habang namamangha.

Parang gusto ko ng bawiin ang sinabi kong loyal ito sa boyfriend niya.

"Congrats." bati ni Fely kay Anthony.

"Salamat."

Ipinakilala ko muna ang dalawa sa isat-isa, bago ako nagpaalam. "Saglit lang, Anthony. Magpapalit muna ako, huh? Maupo ka muna roon."

Itinuro ko sa kanya ang isang footstool sa tabi ng clothes rack, at saka ako pumasok sa staff room at dali-dali akong nagbihis.

Mabuti na lang at maayos ang dala kong pampalit ngayon, naaayon kasi sa lakad ko ang dala kong acid flared jeans at one shoulder red top.

Usually ay simpleng loose shirt lang talaga ang dinadala kong pamalit. Siguro ang party goer instict ko ang bumulong sa akin na magdala ng one shoulder red top ngayon.

Pagkatapos kong magbihis ay nag retouch ako ng kaunti at muling nilapatan ng red lipstick ang labi ko.

"Sorry, nainip ka ba?" tanong ko kay Anthony paglabas ko ng staff room.

"N-No. I don't mind." sagot niya nang dahan-dahan siyang tumayo sa kinauupuan.

Namamangha niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Medyo nahiya ako ng kaunti kasi hindi ko alam kung baduy bang ipinares ko ang rubbershoes sa suot ko, wala naman kasi akong ibang dalang sapatos kung di black school shoes at rubbershoes lang.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon