Kabanata 8

706 36 4
                                    

Kabanata 8
Gamutin

Mabilis na lumipas ang araw, kasalukuyang nagaganap ang photoshoot naming mga candidates ng Mr. and Ms. CPU. Nasa football field kami ngayon, kanya-kanyang pose sa camera. Group, solo and pair shots. Nakapag photoshoot na rin kami sa ilang bahagi ng campus at  nakatatlong palit na rin ako ng outfit.

"That's it, we're done. Thank you for the cooperation, candidates!" bati sa amin ng official event photographer.

Lahat kami ay mga mukhang hapong-hapo na, kung hindi lang maya't maya ang retouch sa amin ng mga make-up artist ay siguradong pareho-pareho na kaming haggard.

"Halina kayo sa function hall." yaya ng isa sa mga organizer.

"Gutom na ako." dinig kong sabi ng isa sa mga candidate ng Mr. CPU. Hinahagod pa nga nito ang kanyang tiyan.

"May kaunting salo-salo tayo sa function hall." sabi naman ng isa pa sa mga nag-aasikaso ng event.

Nag-apir ang ilan, dahil sa narinig, abot tenga pa nga ang ngiti ng mga ito.

Sino ba naman ang hindi matutuwa, alas-otso kami nagsimula sa photoshoot at tanghali na ngayon, sandwich lang ang kinain namin at napakainit pa kanina.

"Dahlia!" napatigil kami ni Vietta sa paglalakad at napalingon sa dalawa kong kaibigang tumatakbo palapit sa amin.

"Una ka na, Vietta."

"No, I'm gonna wait for you."

Paglapit ng mga kaibigan ko sa akin ay mahigpit akong niyakap ni Urelai. "Nakakapanibago na wala ka sa classroom simula kanina, Dahlia." aniya.

Hindi kasi talaga ako umaabsent, kahit pa madalas akong naaayang gumimik ng ilang kaklase o schoolmate ko, nakakauwi ako ng late night at sa umaga ay may hangover, ganoon pa man pumapasok pa rin ako.

Hindi naman ako masyadong grade conscious, sa katunayan ay ineenjoy ko lang ang pag-aaral, kahit na scholar ako at may iniingatang grades, hindi ko pinipressure ang sarili ko sa mga bagay-bagay, kapag kasi pinipressure mo ang sarili mo ay mas lalo lang magiging mahirap sa pakiramdam ang lahat ng gagawin.

I like to spend my days at school, hanging out with my friends, makisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao, sa maliit na mundong ginagalawan ko.

"Makakapasok ka pa ba mamaya?" tanong ni Krishna.

"Malabo rin, pupunta kasi kami ng function hall ngayon, then after that...kailangan kong pumunta sa faculty, may meeting ako with the faculty and staff." 

Nilingon ko si Vietta na hawak ang kanyang cellular phone, tinapik ko siya sa balikat kaya nag-angat siya ng tingin.

"Krishna, Urelai, si Vietta nga pala. Tourism student,"

Nakangiting kumaway si Vietta sa mga kaibigan ko.

"Vietta, siya si Krishna."

"Kapatid ka ni Vincent, diba?" tanong ni Krishna.

Tumango naman sa kanya si Vietta.

"Siya naman si Urelai." pakilala ko sa kaibigan kong suminghot na naman ng Katinko.

"Pleasure to meet you, Vietta."

"Dahlia, Vietta. Ano pa ang ginagawa niyo riyan? Naroon na sila sa function hall, halina kayo." yaya sa amin ng kapartner ko na isa namang accounting student.

"We have to go." paalam ko sa mga kaibigan ko.

"May schedule ka bukas?" tanong ni Krishna.

"Baka mag practice ako ng kakantahin ko, tatlong araw na lang at pre-pageant night na, gusto ko rin kasing maggitara habang kumakanta, at saka baka magpractice din kami kung paano kami lalakad sa stage."

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon