Kabanata 4

764 39 2
                                    

Kabanata 4
Thank you

"May natitira pa akong respeto sa iyo, Dahlia. Wag mong hintayin na mawala iyon." tila nagbabantang sabi ni Vincent.

Laglag ang panga ko nang marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang pisngi.

Bahagya akong napausod palayo sa kanya dahil sa ginawa niya.

"I--I just really want to get closer to you, Vincent. That's all. Bakit kailangan mo akong itaboy ng paulit-ulit?" pinapungay ko ang mga mata ko.

Muli ko namang nakita ang pag-igting ng kanyang mga panga, ngunit kasunod no'n ay ang unti-unting paglambot ng mariin niyang paninitig sa akin, na kulang na lang ay bumaon sa buto ko.

"Whoa, what are you two doing here?"

Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Pasalit-salit ang tingin nito sa amin ni Vincent, nagtatanong ang mga mata nito, ngunit may kakatwang ngiti na nakaguhit sa labi niya, ngiti na para bang nambubuyo siya.

Napaatras ako sa kinauupuan ko nang biglang tumayo si Vincent.

"CR lang ako." paalam niya at saka mabilis na naglakad palayo.

Nang maiwan ako kasama ang kaibigan ni Vincent ay kinuha ko ang bote ng beer na nilapag ko kanina sa ibabaw ng mesa at tinungga iyon, naiilang ako dahil nararamdaman ko na nakatingin sa akin ang kaibigan ni Vincent, nakaupo ito sa upuang nasa tapat ko.

"What was that?" tanong niya.

Hindi ko iyon pinansin, kunwaring hindi ko narinig. Tinungga ko nalang muli ang bote ng beer na hawak ko at saka napabuntung hininga.

Hindi na naman nahulog si Vincent sa pang-aakit ko kanina. Masyadong malalim ang galit na nararamdaman niya sa akin, galit na hindi ko alam kung saan niya ba hinuhugot.

Akala ko ay matitibag ko na sa pagkakataong iyon ang malaking pader na itinayo niya sa pagitan namin, but I was wrong.

"Gusto mo si Mr. President, no?"

Sa tanong na iyon ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-angat ng tingin sa kaibigan ni Vincent.

Diretso ko siyang tinignan, nasa mukha niya pa rin ang panunudyo, habang nakatingin sa akin. Naka-krus ang kanyang mga binti at may hawak na rin siyang bote ng beer.

"Ano naman?"

Umangat ang isang sulok ng labi nito. "So, inaamin mo nga na gusto mo si Vincent?" namamangha nitong tanong.

Tinungga ko ulit ang boteng hawak ko, hanggang sa maubos ang laman nito.

"Natural lang naman na magka-crush din ako, hindi ba?"

Kumuha ulit ako ng isa pang bote sa bucket at binuksan iyon. Nararamdaman ko naman na sinusundan nito ng tingin ang kilos ko.

"Yeah, that's right. It's just surprising, you know...you're Dahlia Belisario, you're the campus queen."

Ibinaba nito ang bote na hawak niya. Ipinatong niya ang isa niyang braso sa kanyang tuhod at itinukod naman niya ang siko niya, at saka hinagod niya ang kanyang baba.

"I thought that a campus queen like you is into a varsity players or some kind of spoiled brats, cool kids or whatever you call it." aniya habang nakatitig siya sa akin. "Aware ka naman siguro kung gaano ka ka-popular sa campus? At aaminin ko na attracted din ako sa iyo, but if you like my friend, then I have to be happy for him. He's lucky that someone like you is into him, tinalo niya pa ang mga varsity player ng campus."

"He's the student body president. He's high above them all."

"He's boring." natatawang sabi pa nito.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon