Kabanata 29

1.8K 69 67
                                    

Kabaata 29
Hangover


Hilaw akong ngumiti at umiling-iling habang nakatitig sa akin ang lahat.

"Pwede bang pass? I feel so dizzy, hindi ko na kaya," sinapo ko ang noo ko at hinilot ang sintido ko para mas maging kapani-paniwala sa kanilang hindi ko na talaga kayang gawin ang dare nila, but Cynthia waved her pointed finger with dissapproval.

Totoo namang nahihilo na talaga ako, para ngang kapag gumalaw ako ay bigla na lang akong mabubuwal o magtatawag ng uwak, bumaba lang talaga ang tama ko ay uuwi na ako.

"Bawal ang pass, but don't worry madali lang naman ang ipagagawa ko sa iyo," ani Cynthia, at saka ako nito nginitian, ngiting hindi ko kayang pagkatiwalaan, nginiting parang may dalang delubyo.

Nagkamot ako ng ulo at ngumiwi. "Kiss ko na lang kayong lahat sa lips, I can do that!" suhestyon ko kahit na ang totoo ay hindi ako sigurado kung kaya ko nga iyon. I never kiss a girl and gay in my whole life, so for me that's a challege.

"Eww, hell no!" isa sa mga kaibigan ni tito Meg na tulad niya'y bakla rin.

"Ayoko rin, kilabutan ka nga, Dahlia!" sabi naman ni Cynthia na umaktong nangilabot.

Puro wild naman kasi ang dare nila kanina and I think that if I will kiss them on their lips, that would be the wildest thing I will ever did.

"Ganito na lang, lalabas tayong lahat and you," tinuro ako ni Cynthia. "Lalapitan mo ang sino mang magpapark sa harap nitong bar, then say this. Papi, are you alone tonight? Easy, right?"

"What if babae ang magpark?" tanong ni tito Meg.

"Lucky to her, you can say whatever you wanted to say, just approach her. So, you better wish it's a  girl," nambubuyong sabi pa ni Cynthia.

Muli akong nagkamot ng ulo. The dare aren't that wild, mas malala pa nga ang mga dare na ginawa nila kanina, ang mahirap lang ay iyong kailangan ko pang tumayo at maglakad, umiikot na kasi talaga ang paningin at sikmura ko.

"Pinapahirapan mo naman ako, sinabi ko na ngang nahihilo na ako," reklamo ko kay Cynthia.

"Don't kil the fun, Dahlia. Tama na ang reklamo, just do your dare na, darling, don't worry we got your back," ani tito Meg na tumayo na sa kinauupuan niya at inabot ang kamay niya sa akin. "Halika, aalalayan kita."

Nagdadalawang isip kong kinuha ang kamay ni tito Meg, at saka niya ako inalalayan na makatayo.

Pagtayo ko ay nagtayuan na rin ang lahat at excited na nauna pa ngang lumabas ang mga ito.

"Pogi!" tawag ni tito Meg sa isa sa mga waiter.

Lumapit naman agad ito sa amin at nagtatanong na tinignan ang manager ko, habang nakaabresete ako sa braso nito.

"Pakibantayan itong pwesto namin, lalabas lang kami saglit," ani tito Meg.

"Ako pong bahala." may galak na sabi naman ng waiter.



Lalong umikot ang paningin ko habang naglalakad kami palabas ng bar. Nakakahilo ang makukulay at malilikot na disco light, pati ang mga taong nagpapalakad-lakad at sumasayaw.

Masikip din sa loob kaya kailangan pa naming makipag gitgitan sa ilan para makalabas, and the more na gumagalaw ako ay mas lalo kong nararamdaman ang panghihina ng katawan ko.

"Kayang-kaya mo ang dare na iyon, Dahlia. I know you have a great charm," si tito Meg habang tinatapik ang balikat ko para palakasin ang loob ko.

Hindi ko naman masyadong iniisip iyong dare, katulad nga ng sinabi ko, hindi naman ito gaanong mahirap. Honestly, sanay na rin kasi ako sa dare game, noon ay wala akong inuurungan sa tuwing mapapasabak ako sa isang dare, kadalasan nga ay sa akin pa napupunta ang mahihirap, but that was before, noong mga panahong hindi pa mahalaga sa akin ang mga sasabihin ng tao, I do things I want without even thinking the consequences of my action, tipikal na ugali ng mga teenagers na mahilig mag explore, madalas mamisunderstood at mahusgahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon