Kabanata 25

690 38 12
                                    

Kabanata 25
Free taste


Palapit na ng papalapit ang defense namin, pero hindi na ako masyadong namomoblema sa thesis ko, natapos namin iyon ni Vincent last week, though nakakatatlong revision na ako, pero minor lang naman.

Ang advantage kapag panay ang revise mo, mas nauunawaan mo iyong gawa mo, kaya kahit nagpapaulit-ulit ako sa ginagawa ko, iniisip ko na lang na natututo naman ako. Si Vincent ang nagturo sa akin na iappreciate ko lang iyong mga ginagawa ko, that I have to look at the bright side, kasi kung parati kong iisipin na mahirap ang ginagawa ko, bukod sa maiistress ako, I will really feel it, kasi iyong hirap, nasa isip lang natin iyan.

"Dahlia."

Napalingon ako sa likod ko at unti-unting ginapangan ng kaba ang buo kong katawan nang makita ko si Anthony, nakapamulsa ang isa nitong kamay at ang isa ay may mga hawak na libro, naglalakad siya palapit sa akin dito sa library.

"H--Hi!" alanganin kong bati sa kanya.

Wala kaming last subject ngayon, kaya sa halip na pumasok ako ng maaga sa shop ay dito na lang muna ako nagpalipas ng oras sa library para icheck ang ikatlong revision ng docu ko. Actually, pina-proof read ko na nga kay Vincent ito kanina at wala naman siyang nakikita ng problema.

Si Urelai at Krishna ay inaasikaso rin ang kani-kanilang thesis at research paper, natatambakan na nga ang dalawa kong kaibigan kaya hinayaan ko na munang makapag focus ang mga ito sa dorm nila, gustuhin ko man silang tulungan ay kailangan ko munang maayos itong docu ko, at saka limited lang din ang oras ko dahil may part time ako.

Muling bumalik ang atensyon ko kay Anthony na nakaupo na sa bakanteng silya sa tabi ko.

Pinagala ko ang tingin ko sa paligid. Hindi ako pwedeng makita ni Vincent with Anthony, napakaseloso pa naman ni Vincent, kahit nga si Sev ay pinagselosan niya.

"P-Pwede ko bang mahingi ang tulong mo, Dahlia? Saglit lang." ani Anthony na inilagay ang kamay sa kanyang batok, he sounds nervous.

Iniisip ko pa lang na tatanggihan ko si Anthony ay parang gusto ko ng maguilty, but I really have to.

"I-I'm sorry, Anthony kaya lang kasi...ano, m-may ginagawa pa ako."

"I can wait." malapad itong ngumiti.

"Pero after kasi nito...didiretso na ako sa shop," dahilan ko pa.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, totoo naman ang mga sinasabi ko, pero kung gugustuhin ko talaga at sandali lang naman ang hinihingi niya ay pagbibigyan ko siya, kung hindi lamang ako pinagbabawalan ni Vincent.

Napangiwi ako, nakaramdam ng guilty dahil sa ginagawa kong pagtanggi kay Anthony, lalo na nang muli ko siyang tinignan at makita ko sa mukha niya ang tila kawalan ng pag-asa, ang ngiting nakaguhit sa mukha niya kanina ay parang bulang naglaho, mukha siya ngayong binagsakan ng langit at lupa, at ang kanyang balikat ay lumaylay na para bang sawing-sawi siya.

Ayokong sirain ang usapan namin ni Vincent na lalayo ako kay Anthony, kaya lang ay naalala ko rin na sinabi ko kay Anthony, na kung kailangan niya ng tulong ay nandito lang ako.

"Sige na, Dahlia. Kahit saglit lang. Wala na kasi akong ibang mahingan ng tulong."

Napabuntung hininga ako, it's really hard to have a soft heart.

Ang hirap tanggihan ng mga taong nangangailangan. "A--Ano ba iyon?"

"About sana sa thesis ko, next week na kasi ito."

Muli akong nagpalinga-linga sa paligid, baka kasi narito lang si Vincent, posible naman iyon dahil madalas siyang laman ng library, at magagalit iyon kapag nakita ako na kasama si Anthony.

Warmer Than The Sun (Pan De Azucar Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon