Chapter 1

28.7K 648 72
                                    

Force

Love is like a fart. If you have to force it, it's probably shit.


"Sige na naman, Beauty," si Ate Amalia. Halos lumuhod na siya sa harapan ko para lang pumayag ako sa gusto niya.

"Ate naman! Alam mo naman na wala akong alam pagdating sa trabaho na 'yan! Model ako, Ate! MODEL!"

Tumayo siya at sinapak lang ang ulo ko.

"Anong model? Model ng diaper at mineral water!" pasigaw niya.

Oo, model endorser ako ng diaper at mineral water. Ang laki ng mukha ko sa tarpuline ng kapit bahay namin na negosyante ng tubig. Kinuha kasi nila akong model sa negosyo nila, at nakapaskal pa ang mukha ko sa bawat bote na plastic ng tubig.

Model endorser din ako ng baby diaper, napkin at kung ano ano pa! If there's always a new launching of sanitary products, I'm present! Ako agad ang modelo na kinukuha nila. Okay na 'yon! One year supply ng sanitary pads! Saan ka makakahanap? Libre!

"Tigil-tigilan mo ako ha! Anong silbe ng tinapos mong kurso kung kakarampot na modelling lang iyang ginagawa mo? Hindi ka naman siguro tanga 'di ba?" inis na tugon niya.

Umismid na ako. I finished my Economics degree course (Environmental Science). Hindi ko alam kung bakit ito ang tinapos ko! As far as I know, I love nature, kaya eco-bio ako. But in the end, I want to pursue a modelling career in the future.

"Nagsisimula pa naman ako, Ate. Hinihintay ko lang ang tawag ng modelling agency," tipid na tugon ko.

Tinapos ko na ang ang pagkain ko para wala na siyang masabi.

"Beauty... sayang ang pinag-aralan mo. Di ba may offer naman sa 'yo ang school? Why you didn't grab it?"

"Ayaw kong maging guro. Maliit lang ang pasensya ko."

She rolled her eyes while looking at me. Ate Amalia is 29-years-old. Late na nga nang magpakasal sila ni kuya Joey. Si Ate kasi ang tumatayong breed este, breadwinner ng pamilya namin. Mabuti na lang at mabait si Kuya Joey at hinihintay talaga niya si ate.

"Stop acting like a stupid girl, Beauty. Matanda ka na! Ayusin mo na iyang buhay mo," reklamo niya. Umupo na siya sa tabi ko.

Hindi na ako nagsalita. Hindi naman siguro ako matanda! I'm only twenty four yet, I don't have a stable job. I do a lot of extra jobs in modelling. Iyon nga lang, maliliit lang naman at sapat lang ang kinikita ko.

"Wala ka rin namang trabaho 'di ba?"

Tumaas na ang kilay niya habang tinitigan ako. I have no sideline work as of the moment. Naghahanap pa ako. Masyado kasing maraming kompetensya sa modelling. Hindi ka makakapasok sa loob kung walang nakapalikod sa'yo.

"Sige na, Beauty. Dalawang buwan lang naman at hindi naman mahirap ang trabaho."

Napatingin na ako sa kanya. She looked at me seriously. Okay, she's not even kidding right? Great!

Umiwas na agad ako sa titig niya.

"Okay, let's make a deal. Be my substitute for my job, and I will help you find a manager, an agent for your modelling career," ngiti niya.

Nabuhayan agad ako ng loob, kaya nilingon ko agad siya. Alam kong maraming koneksyon si Ate pagdating sa ganitong bagay. Sekretarya lang naman siya ng isang malaking kompanya. Alam kong mahahanapan niya ako ng manager na tutulong sa pag mo-model ko.

"Really?" Ngisi ko.

Tumango agad siyang nakangiti.

"Yes!" Sabay yakap ko sa kanya.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon