Chapter 18

19.4K 597 11
                                    


It was not my lips you kissed, but my soul.
💝💝💝

Hug


Lahat ng mga mata nila ay nakatingin na sa akin ngayon. Everyone is staring at me, as if I'm that sort of celebrity, or worst, their enemy! Ewan!

Binilisan ko na ang lakad ko patungo sa mesa. Nakauwi na ako kahapon, at oo, hatid sunod sa driver na kinuha niya. I don't really like this. Naninibago ako sa lahat ng 'to. Maski kapit bahay namin nagtaka, dahil ba't daw may bantay ako sa labas ng bahay namin? Pero nasayahan nadin sila. Umiiwas daw kasi ang mga magnanakaw sa banda namin.

"Beauty! Welcome back, Mrs Mondragon!" Lakas ng boses niya.

Halos tinakpan ko na ang tainga ko at mabilis na humakbang hanggang sa nakarating ako sa mesa ko. Nakasunod lang din siya.

"Ano ba, bruha!" Pinalakihan ko siya ng mga mata ko.

"Ano? Kumusta ang honeymoon?" Pa-cute niya sa harapan ko at pinagalaw-galaw pa niya ang kilay. Bakla talaga!

"Anong honeymoon? E, trabaho ang pinunta namin doon."

Pumasok agad ako sa loob ng opisina niya. Wala pa siya, baka mamaya pang after lunch. Nasanay na ako sa ganito na set-up tuwing trabaho. Every after lunch time na ang pasok niya. He's attending different clients and appointments.

"Come on, Beauty. Magkwento ka naman. Alam mo bang grabe ang kakahanap nila sa'yo rito? Kaya sinabi ko na nag-honeymoon na kayo," lakas na tawa niya.

"Aha! Ikaw pala ang dahilan kaya si Ate parang baliw na ang sermon sa akin!"

"Biro lang iyon at alam ng Ate mo ang totoo! Sinabi ko na rin sa kanya. Maghahalikan ba kayo ni Sir Drew in public kung hindi kayo?"

"Oo, kami na. Kaya tumahimik ka na! Ayaw ko ng chismis!" Sabay talikod ko.

Tumuli na agad siya at parang pato na nakasunod sa likod ko. Pa-kembot kembot pa! Natawa lang din ako sa kanya. Umupo na ako sa mesa at nag umpisa na sa trabaho. Gusto ko kasing matapos 'to, para maaga akong makauwi. Dahil may gagawin pa akong bagong proyekto.

"Sinabi mo na ba kay Sir Drew ang tungkol sa Asia's Fashion?"

Huminga na ako nang malalim at hindi na siya tinitigan.

"Hindi pa. Hindi naman kasi importante masyado. At isa pa, isang linggo lang naman ako sa Hongkong. Next week ko na sasabihin," ngiti ko.

"Next week pa? E, simula na ng practice mo next week sa Monde Fashion ah," tumaas agad ang kilay niya.

"Okay lang. Darating nadin si Ate. Ako ng bahala."

"Hmm, baka naman magalit ang dragon at kami pa ang mapag initan dito. Ang ganda pa naman ng mood niya nitong mga nakaraang araw dahil sa'yo."

Tumayo na siya at inayos na ang damit.

"Hindi na magagalit iyon," ngiti ko.

Nang sinimulan ko na ang pindot sa keyboard ay napatili lang din ang bakla. Nabigla pa tuloy ako sa kanya. Kaya nanlaki din ang mga mata ko.

"The heck! Ano ba? What's wrong?" Kunot-noo ko.

"Oh my goodness, Beauty! You're engaged!" Pumilantik ang dalawang kamay niya sa ere, na halos matumba na ito.

Ngumiwi na ako sa reaction niya. Ang OA lang din ah! Nahinto pa tuloy ang iilang empleyado sa hallway na naglakad. Tumingin lang sila, nahinto at nakatingin kay Bobita. Pero nagpatuoy nadin nang lakad ang lahat.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon