Chapter 21

19K 548 13
                                    

"I've missed you..."
"I miss you more..."
-Drew&Beauty-
💝💝💝

Ex Girlfriend


"One, two, three, turn, Beauty!"

"Perfect!"

"Okay... Break time!" Saad ni Mamita. Siya ang head namin.

Practice na kasi namin ngayon sa Monde Fashion. Nakabalik na si Ate sa trabaho. At balik normal na ang lahat. Pansamantala naman akong nakatira kina Ate at Kuya Joey. Ayaw kasi ni Drew na mag-isa ako sa bahay. Sa susunod na linggo na ang Japan fashion show namin. Kaya busy na ang lahat at pati na ako.

Umupo na ako kasama ang iilang modelo na katabi ko. Naka strict diet kami lahat. Kaya halos tubig lang din ang pwede naming mainom at bawal ang soft drinks. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Drew. Busy siya at panay ang out of town. Hanggang ngayon hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol sa Japan.

"Balita ko isa sa mga Mondragon ang magiging exclusive judge natin," saad ng isa sa mga modelo na katabi ko.

Umigting lang din ang tainga ko at napalunok na ako. Hindi naman siguro si Drew ito. Iba naman ang linya niya. Nakinig lang din ako sa kanila sabay inom ng tubig.

"Si Sir Art Atticus ba? Mondragon siya 'di ba?" Saad ng isa.

"No, it's not him. I believe its Xavion."

"Oh, really?"

Nakahinga lang din ako nang malalim. Akala ko na tuloy si Drew. Mabuti na lang hindi siya. Wala silang alam tungkol sa akin. Naging sekreto na kasi sa lahat ang relasyon namin ngayon. Sa kompanya lang din naman umingay ito. At noong nagsilabasan ang pangalan ko sa media, ay agad niyang pinahinto ito.

Drew is the type of person that doesn't want to display his name in publicity thing. Ayaw na ayaw niya ng ganoon. Kabaliktan siya kay Art Atticus. Drew is well preserved at mas gusto niya ang negosyo ang pagtutuunan ng pansin.

Even though we don't see each other this pst few days. He always called me anyway. Na miss ko na rin siya.

"Have you heard that Beatrice Mercedes will join us?"

Namilog lang din ang mga mata ko. I know her, and I'm a big fan of her. She's the famous Super model.

"Isa siya sa mga hurado?"

"Really?" Saad ko.

"Oo, Beauty... At alam mo ba noon isa sa mga Mondragon ang ex bf niya? Noong nagsimula pa lang din siya kagaya natin," ngiti ni Esmeralda.

"And then what happened?" Saad ng isa pa naming kasama.

At talagang naki-chismis na ako ha! Ibang klase ka rin Beauty! Gusto ko lang din namang malaman kung sino sa mga Mondragon ang naging ex niya. Ang daming namang mga Mondragon kasi at hindi lang naman si Drew.

"I've heard it's Drew James Mondragon. The owner of Monde Corporation," singit ng isa.

Napaawang lang din ang bibig ko. Sa dinami-daming pangalan, bakit si Drew pa! E, pwede namang kay Art Atticus or sa ibang mga pinsan niya! The heck land din ha!

"Talaga? I love Drew Mondragon you know! Siya 'ata ang pinakagusto ko sa lahat ng mga Mondragon boys," tili ng isa sa kanila.

"OMG! Mas type ko si Xavion. Ang tahimik at snob ng dating 'te!" Tili ng isa pa.

"Ako kay Drew pa rin ako! I believe he can really fuck hard!"

Naghiyawan na ang lahat at napangiwi lang din akong tinitigan sila. Ang lalakas pa naman nila makatawa.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon