Chapter 9

21.4K 596 24
                                    


Love is like a flower, you've got to let it grow.
💝💝💝

Flower


Lumabas na ang lahat ng matapos ang meeting. Naging tense ang lahat sa preparasyon nila. But in the end, he approved two proposals from the heads. And Bobita's idea is one of it. In fairness, may silbi nga naman ang malaking posisyon ni Bobita sa kompanya, dahil sa kalat na ideya niya.

Halfday lang din si Drew. May importanteng lakad siya. Inutusan niya rin akong kunin ang bulaklak na pinagawa niya bukas sa isang sikat na flowering boutique. I don't know why it has to be me? Kasama din siguro ito sa trabaho ko bilang sekretarya niya. So I have to pick it up before I'll get to work.

"Beauty, oh dear, Beauty!" Sa malawak na ngiti niya.

Pakembot pa siyang lumapit sa mesa ko.

"Nandiyan pa ba ang amo mo?" Turo ng nguso niya.

"Wala na, umalis na. Half day lang iyon ngayon."

"That's good to hear," sabay upo niya.

"Hindi naman sa hindi ko siya gusto. Ano ka ba! Makalaglag panty nga ang ka-gwapuhan niya. Kaso nakakatense ang dragon 'te! Pinatalsik niya agad si Benjie kahapon, at ngayon sa meeting nanginig kaming lahat sa presentation. Nakaka-stress!" Suklay sa buhok niya.

Kumunot na ang noo ko. "May pinatalsik siya? Sino?"

"Iyung janitor dito. Ang gwapo pa naman ni Benjie. Gusto ko sanang jowain. Kaso napansin ko ang manyak lang din!"

Ngayon naalala ko na. Siya ang kahapon sa loob na kasama ko na humawak sa upuan. Pinatalsik niya dahil lang doon. Ibang klase din si Drew!

"Kawawa naman iyong tao..." Mahinang tugon ko.

"Hindi, Beauty. Marami ng nagrereklamo sa kanya. Isa na si, Donna. Madalas kasi mambuso ang janitor na iyon. Mabuti nga sa kanya. Sino kaya ang nag-report sa kanya kay, Sir Drew. Ang lakas talaga. Talsik agad!" Bahagyang tawa niya.

Napalunok na ako. "Baka nga manyak siya. Pero baka rin sakit niya. Di ba may mga taong ganoon."

Umayos na agad siya nang tingin sa akin.

"Beauty? Psychologist ka ba? Tumahimik ka na nga! Kahit nga ate mo ayaw na ayaw sa janitor na iyon!" Inis na tugon niya.

"Ay ganoon ba? E, di kay ate na rin ako susuporta," ngiti ko.

Pinaikot lang din niya ang mga mata.

"Kukunin kitang model ah," sabay tayo niya.

"Ha? Ako? Talaga?"

Para tuloy akong batang na-excite sa kanya. Ang alam ko ay kukuha ang kompanya ng iilang sikat na modelo para sa launching ng product. Ang saya kaya dahil sasali ako. Kung iisipin ko nga naman. Ito ang unang modelling ko na kasama ang mga sikat.

"Oo. Tingnan ko kung saan kita ilalagay. Okay lang ba sa'yo?"

"Oo naman! Kahit flower vase lang ako sa gilid, okay na okay na sa akin!"

Tumayo na agad ako at niyakap si Bobita.

"Salamat, dream come true ko 'to!"

"Ipapaalam ko muna kay, Sir Drew. Sana okay lang din sa kanya. I don't think it will be a big deal," sabay kindat niya.

"Yes! Ang saya ko," tango ko.

"O sige na. Ayusin mo na ang lahat ng trabaho mo, para payagan ka ng dragon mong amo."

Umirap na siyang nakangiti. Natawa na lang din ako. Ang bakla talaga! Alam na alam niya na ito talaga ang pangarap ko. Ang maging modelo.


MAAGA akong nagising at nagpunta muna sa flower shop para kunin ang bulaklak na pinagawa ni Sir Drew. Namangha ako sa napakaganda at preskong bulaklak na rosas. Lahat ito ay kulay dilaw. Napakasimpli ngunit napaka elegante ng pagkakagawa. Matagal ko itong tinitigan at ngumiti na.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon