Chapter 2

23.5K 588 19
                                    


In the end, you always go back to the people that were there in the beginning.
💝💝💝

Old Friend

Parang pinagsisihan ko 'ata ang pagtangap ko sa trabahong ito. Halos malula na ako sa kapal ng mga papel sa mesa. 

I can't imagine how my sister handle this type of job. 

Nag e-enjoy ba siya? O sadyang naging papel na din 'ata ang mukha niya!

"Walang mangyayari kung tititigan mo lang 'yan, Beauty!"

May nilapag pa siyang iba. Kulang na lang bumaha na ng papel dito sa loob ng silid. I don't even understand which one should I take first.

"Sort them out first, by letter," demand niya.

Inisa isa ko naman 'to. Mukhang aabutin 'ata ako ng gabi sa trabahong 'to! Dios ko, help me!

"Parang ayaw ko na, ate. Nakakaloka, grabe!" reklamo ko.

"Madali lang naman 'to. Huwag kang OA!" Sabay patong niya ng ibang folders pa.

"Now I know... that's why you've stick to Kuya Joey. Kapag ganito ang trabaho mo wala kang makikitang lovelife sa buhay mo. Tali na agad sa trabaho!" Bahagyang tawa ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"FYI, Beauty, high school sweetheart ko ang Kuya Joey mo! Baka nakalimutan mo na?" pabagsak na tugon niya.

Tumango na ako. "Oo, alam ko."

"Wala ka bang assistant man lang? Ang dami mo kayang trabaho. Hindi mo naman siguro ibibigay sa akin ang lahat ng 'to 'di ba?" kunot-noo ko.

"No. I'll give you the most common one. Ito lang naman ang importante, at kung may ipapahanap man sa 'yo ang boss ko. Hanapin mo sa sa kulay asul na drawer. Nandiyaan ang lahat na kadalasang hinihingi niya."

Napalingon agad ako sa asul na drawer na tinuro niya. Napanganga akong bigla. Hindi ko naman inakala na isang dosenang drawer din pala ito! Ano ako bookworm?

"Shit! That's twisted."

Natawa agad siya at umiling-iling na.

"Nakakalimutan ko na malaki ka na pala, Beauty. I mean, look at you?"

Ngumiwi ako sa kanya at sabay na tiningnan ang sarili ko.

Yeah, I know! I'm taller than her but in a slender body. Mala modelo ang tindig ko kaysa kay ate. Mahaba at kulot ang buhok ko sa dulo. Gifted din naman ako sa boobs ko! Iyon nga lang mas matalino si ate kaysa sa akin talaga. Kaya namumuhunan na lang ako sa angking kong ganda.

"Madali kitang maihahanap ng manager," ngiti niya.

Mas lumawak lang ang ngiti ko. Kanina parang ayaw ko na. Pero ngayon na-inspire na naman ako. Bruha talaga 'tong ate ko. Alam na alam niya kung paano makuha ang puso ko.

"Huwag na huwag kang magbibiro sa akin ng ganyan, Ate. I trust you!"

Humarap siya sa akin na nakapamawang.

"I'm not kidding, Beauty. Do your best in my work, okay? And I will look after your career," kindat niya.

Mas ngumiti na ako. Alam ko na hindi nagbibiro si Ate, at alam ko matutulungan niya ako. Noon ayaw na ayaw niyang maging modelo ako. Wala raw akong mapapala sa pagiging model, pero nagbago na 'ata ang pananaw niya sa akin ngayon.

Mabilis ko lang tinapos ang lahat. Inabot kami ng tanghali talaga, at nang lumabas kami sa opisina ng boss niya para mananghalian, ay ang mga kasama naman niya ang nakatingin sa aming dalawa ngayon. They looked at us as if there's something wrong with us. Lumapit pa agad ang isang decenteng bakla sa paningin ko.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon