Chapter 27

20.5K 607 24
                                    


"As much as I want to keep you, I forgot that you have a life too. I know I hold your heart as you hold mine, but I don't want to hold your dreams... Go and chase it if that completes you."
-Drew Mondragon-
💝💝💝

Let go


Mabilis ang hakbang ko palabas ng gate namin. Nasa labas siya at naghihintay sa akin. Halos matalisod na ako dahil sa pagmamadali.

"I'm okay, promise. I love you, Nay... Salamat."

Napahinto ako nang saglit dahil narinig ko siyang may kausap sa kabilang linya. But when I've heard that it's Nanay my heart feel at ease. Naalala ko kasi noon, na narinig ko siyang may kausap din sa cell phone niya. Panay din ang 'I love you' niya rito. Si Nanay lang din pala... Napangiti na ako at hinintay lang na humarap siya.

"Beauty, darling."

Agad lang niya akong niyakap at binuhat pa. Napayakap lang din ako nang husto sa leeg niya. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya sa akin. I feel so warm and complete. A feeling that I can always calls him a home in my heart.

"I miss you so bad," he softly whispers in my ears.

Humalik lang din siya sa leeg ko habang yakap yakap namin ang bawat isa.

"I miss you too... And I'm sorry baby," bulong ko sa tainga niya.

Naiyak na ako sa sarili ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko. This past few days I haven't slept well because of our misunderstanding. Aminin ko naging close minded ako pagdating sa ibang bagay, at na sobrahan ang pagseselos ko. But after that night when he left me at his hotel. I realized my own mistake...

Maingat niya akong binaba at agad lang din na hinalikan ang labi ko. I embraced his kiss fully inside me. Tinangap ko ito ng buo. I miss him so much and I miss kissing him. We even take our time kissing. I wrapped my hands fully around his nape and he bend more closer to me. Pulling me more closer to his chest. Halos ramdam ko na ang lakas ng pintig ng puso naming dalawa.

Hanggang sa naging maingat na ito at kitang kita ko pa ang guhit nang ngiti sa labi niya. He stopped for a moment and we stared and then we kiss again...

Naupo na kami sa loob ng sasakyan niya ngayon. Lumabas kasi si Ate kanina at tiningnan kung ako ang nangyari sa akin. Hindi ko kasi siya pinansin nang tinawag na ako, dahil agad lang akong lumabas ng bahay na nagmamadali. Napangiti lang din siya nang makita kami Drew. Kaya pinabayaan na niya ako.

"I have something for you," sabay bigay niya sa maliit na box.

"What's this?" Kunot noo ko.

Hindi naman siguro 'to engagement ring, dahil meron na ako ngayon na suot suot ko. Tumango lang din siya at tipid na ngumiti sa akin.

"I was about to give it to you in Japan. But my ego hits me, darling. I'm so sorry..."

Napatiim bagang lang din siya habang nakatingin sa harap ng manebela. Binuksan ko na 'to. Napangiti lang din ako. It's a necklace. A huge gold locket heart pendant with a pink diamond in the middle. I opened it, and to my surprise there's a picture of me and him inside it.

Pumatak lang din ang luha ko at mabilis kong pinunasan ito, gamit ang kamay ko. Tinitigin ko na ang tissue na meron siya sa gilid, kukunin ko sana. Pero bago ko paman ito maabot ay agad lang din na dumampi ang kamay niya sa akin. At siya na mismo ang nagpahid ng luha ko.

"I'm sorry, Beauty..." Sabay dampi niya ng halik sa labi ko.

Imbes na mahinto sa iyak ay umiyak lang akong lalo. Nabaliw na 'ata ako! Ayaw ng tumigil ang luha ko. Ano ba Beauty! Sigaw ng isip ko.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon