Sometime you need to give up on people, not because you don't care, but because they don't.
💝💝💝Break
Ilang beses na niyang hindi sinagot ang tawag ko. Sari-sari na tuloy ang laman ng isip ko ngayon. Nag send lang siya ng mensahi at sinabi sa akin na busy siya at nasa meeting, kaya tinigilan ko na.
Everything was settled. Things are well organized in ate's desk. Nasa labas lang din ang desk ko, sa harap mismo ng pinto ng opisina ng boss niya. Madalas naman daw na wala ang boss niya dito, at ngayon lang naman daw ito babalik galing Amerika.
In fairness madali lang naman ang trabaho niya. Maglilinis at mag take notes sa mga meetings at mag timpla ng kape! Okay, fine, that's easy peasy!
Paulit-ulit ang litanya niya sa akin kada araw sa mga dapat kong gawin. Her boss is a perfectionist freak kuno! Pero mabait naman. May perfectionist freak ba na mabait? Ang alam ko kasi, ang mga sobrang perfectionist na mga tao ay sadyang napaka-bitter sa buhay. Ewan ko na lang!
"Ano, kaya mo na ba?"
Bakas ang pag alala sa mukha niya. Natawa na ako habang pinagmamasdan siya. She's ready and her luggage is at place already. Bitbit pa niya ang palakang stuff toy na bigay ni Kuya Joel sa kanya.
Hmp, Ang korney ha! Ngumiwi akong tinitigan siya.
"Oo, ate. Have fun okay and don't worry about me. I can handle myself."
"Call me okay. I'll video call you everyday."
Pumasok na agad si Kuya Joey at agad na kinuha ang maleta niya. Nakasunod lang din ako sa kanilang dalawa. Mariin ko silang pinagmamasdan habang ipinasok ni Kuya ang mga gamit nila sa likod ng kotse.
"Beauty, you take care," baritonong tugon niya.
Tumango na ako. "Kayo din, kuya. Mag-ingat kayo okay," tipid na ngiti ko.
Mahigpit ang yakap ni Ate sa akin. Naiiyak pa tuloy ako. Nakakaloka naman 'to! E, mag ho-honeymoon lang naman ang dalawa sa Caribbean sea at Asia. Ang swerte talaga ni Ate kay Kuya Joel. At sa pagkakaalam ko, pagkatapos ng honeymoon nila ay lilipat na si Ate sa bahay niya. Ako na lang din ang maiiwan sa maliit na bahay na ito.
Kumaway na ako sa kanila at ngumiting pinagmamasdan, hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Mahina ang hakbang ko papasok ng bahay. Niligpit ko na agad ang kalat sa mesa, at hinugasan ang pingan sa kusina.
We have small house here in our mere subdivision area. Maliit lang naman ito. Mas mabuti na 'to, kaysa sa mag renta ng bahay na hindi naman mapapasaamin. Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho. Naging tahimik ang Sabado ko at Linggo. Ang hirap din pala, dahil naninibago ako.
Tinawagan ko lang sina Mama at Papa sa probinsya. Its been a while that I haven't visited our province. Probably after everything's settled I'll visit Mama and Papa.
MASIGLA ang gising ko ngayon. Lunes na lunes at unang araw kong pumasok sa trabaho na wala si ate sa tabi ko. Nakakapanibago nga naman ang lahat sa akin ngayon. It seems like I'm learning my independency in living alone at the age of twenty four.
Maaga din akong pumasok sa trabaho. Ayaw kong ma-late, ma traffic pa naman at nag taxi lang din ako. Madalas kaming nagta-taxi ni ate. May budget kasi siya para dito, at sagot naman daw ng kompanya. Pero ako wala? Kaya magtitiis na muna ako.
"Good Morning, Beauty!" Si Bobita.
Ngumiti agad ako sa kanya. May dala na agad siyang iilang papelis at inabot sa akin 'to.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)
RomanceRated 18+ Matured Content. This is a Self-Publish book. MBBC #1 (Mondragon Billionaires Boys Club 1) Story of Drew James Mondragon and Beauty Acuesta Fresh from a cheating breakup, Beauty realizes she missed out on many opportunities due to her ex...