Chapter 17

20.3K 551 10
                                    


Unconditional love is real sense of security
💝💝💝

Security


Natawa ako sa naging sumunod na mga eksena naming dalawa. After that steamy night we had. He ended up purchasing a box of condom to be used. Wala rin kaming ibang ginawa kong 'di halikan at harutan sa sarili. It's like we treasure the most delicate part in our life together.

Drew Mondragon is indeed dominant, possessive but with a good heart. Ngayon na mas nakilala ko siya ay mas lalo ko lang siyang minahal. Marami akong insecurities sa sarili, at kasama na roon ang antas namin sa buhay. Hindi lang siya mayaman kong 'di sobra pa. Ayaw kong isipin ng iba na ito ang habol ko sa kanya. Kaya gusto ko na may marating ako sa sarili ko.

"Are you okay?" Halik niya sa kamay ko.

Nasa loob na kami ng Eroplano pabalik ng Pilipinas. Magkatabi ng upuan sa business class at magkahawak kamay. Ang boung akala ko ay nanonood siya ng palabas sa maliit na screen sa harap. Iyon pala nagbabasa lang din ng balita at magazine. Samantalang ako nanonood nga ng tagalog movies, pero lutang naman ang isip.

"Hmm? Oo," tango ko.

"Your eyes are darted on the screen, but your mind is obviously somewhere," titig niya sa akin.

Ngumiti akong tinitigan siya ng buo. How come this man knows my emotions and feelings so well? Baliw din siguro 'tong si Drew Mondragon.

"Manghuhula ka na ah," bahagyang tawa ko.

"I can see it," sabay halik niya ulit sa kamay ko.

"Don't mind the gossips, the news and everything, darling. Just look at me, come on, look at me..."

I stare at him. His deep light brown eyes is telling me a great love of security. Alam ko naman na mahal niya ako at nararamdaman ko ito ng sobra. Napako lang din ang mga mata ko sa kamay ngayon na hawak hawak niya. Ang kinang ng engagement ring na suot ko ay nagpapatunay na akin siya at sa kanya ako.

"Treat me the same way in the office okay. Ayaw ko ng special treatment."

"Hmm, I'll see... I'll give you a decent punishment if you can't do your job properly," pilyong ngiti niya.

"Ewan ko sa'yo!" Sabay bawi ng kamay ko. Natawa lang din siya.

Umikot lang din ang kamay nito sa tagiliran ko at kiniliti ako. Umalma na ako. Alam niya talaga ang kahinaan ko. Nakakainis lang din. Mabuti na lang at nasa business class kami, dahil walang nakakakita sa harutan namin.

Ang personal driver niya ang sumundo sa amin sa airport. Inutusan niya ito sa address ko muna, pero 'di rin kami natulog dahil sa 'di kalayuan pa lang ay may iilan ng medya na nakaabang dito. In the end, I ended up in his condo. Wala na akong nagawa. Mag re-reklamo pa sana ako, para saan pa? Wala na rin akong choice.

Malaki ang condo unit niya at malinis ito. Nilagay niya lang ang maleta ko sa kwarto bago ako binigyan ng inomin. Mariin ko lang din tiningnan ang laman ng loob ng refrigerator niya. In fairness, lalaki nga naman puro healthy foods and energy healthy drink ang laman.

"May pinabili na ako. Baka mamaya nandito na 'yon."

Tumango na ako at mas inikot ko lang ang tingin sa buong paligid ng condo niya. May balkonahe din ito kaya lumabas na ako. Nakasunod lang din siya sa likod ko. Tanaw ko pa ang baba. Nasa mataas kasi na gusali ng syudad ang condo niya.

"I have countryside home. Pwede tayo doon tumira kong ayaw mo dito," sabay yakap niya sa likod ko.

Tumango na ako. Puro na tango ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi lang kasi ako makapaniwala sa lahat ng 'to. I remember, I have to do the training from Monde Fashion for the Asia's Fashion Show. Hindi ko pa kasi sinabi sa kanya. Sasabihin ko rin, pero hindi na muna ngayon.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon