Chapter 29

23.3K 630 13
                                    


"This is for our family, Beauty. Let us make a one great big family together."
💝💝💝

Key


Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Drew. Nakangiti lang din sa akin ang asawa ni Liam. I believe her name is Skye. Katabi niya ang dalawang anak nila ni Liam na sina Logan at Amber. Ang cute lang din nilang tingnan habang kumakain. Tumayo pa si Logan. I think he's four years old. He walk straight to his grandpa, whom sitting in the front. A reminder that he's the head.

"Nonno, voglio sedermi accanto a te," he smiled.
(Lolo, I want to sit beside you)

"Certo figlio mio, vieni qui."
(Of course my son, come here.)

At naupo si Logan sa kandunggan ng Lolo niya. Halata na paborito niya ang bata. Nakangiti pa itong sinubuan niya. Natawa lang din si Liam na pinagmamasdan sila.

Liam is sitting in the left hand side of his father, and beside him is Skye and Amber. While Drew is sitting in the right hand side of his father and I'm beside him.

Mariin lang din niyang hinawakan ang hita ko at hinaplos ito.

"Are you okay?"

"Yes," tango ko.

"That's big accomplishment of you, Beauty. Are you going to Paris?" Si Skye sa tanong niya.

Tumikhim lang din si Drew at ngumiti na ako. Mas hinaplos lang niya ang hita ko. He's making sure that I'm gonna be comfortable in front of his family.

"Ilang taon din ang Paris mo? Mabuti at pinayagan ka ni Drew," pagpatuloy ni Skye.

"Get married first before going to Paris," si Liam.

Halatang dominante ang character niya. Nasa lahi nga naman nila. Like Drew, Liam is very prominent too. And I believe he was once possessive when it comes to Skye.

"Hindi naman kasi si Drew na katulad mo," si Skye sa kanya.

Umiling iling lang din si Drew at bahagyang natawa lang din si Liam sa kanya.

"Come on, bro. You're not getting younger anymore," si Liam sa kanya.

Tumikhim na ang Ama nila at natahimik lang din silang dalawa.

"How's the branch in Italy, Drew?" Matigas na tugon ng Ama niya.

"All good, Dad. Plano ko sanang manatili muna doon ng ilang buwan."

Napako lang din ang tingin ko sa kanya. Kinabahan na ako. I haven't told him that I'm not going to Paris anymore. At dahil kalapit lang din ang dalawang bansa. Baka gusto niya muna doon dahil sa akin.

The heck! I have to tell it to him later.

"Ang sabihin mo gusto mo lang din na malapit ka kay, Beauty," kantyaw ni Liam sa kanya.

Nagtitigan lang din sila sa seryosong mga mata. Naging abala lang din ang Ama nila, dahil nasa kandunggan niya si Logan, at panay ang subo nito ng pagkain. Nakangiti pa siya nito.

"Just get married," tipid na tugon ng Ama niya.

Napalunok lang din akong tinitigan ang Ama niya. He never look at me. He's busy with Logan in his arms. So, I darted my stare to Skye. Nakangiti lang din siya sa akin at ganoon din si Liam na katabi niya. Palihim lang din ang haplos ni Drew sa likod ko ngayon.


Naging tahimik ang hapunan at negosyo madalas ang pinaguusapan nila. Hanggang sa nagpaalam na ako sa kanilang lahat.

Inihatid lang din ako ni Drew.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon