Chapter 13

21.1K 678 33
                                    


I may not be your first date, kiss or love, but I want to be your last in everything.
💝💝💝

Boyfriend


Naging busy ang lahat para sa akin. Hindi man ako sumali sa trial practice ay alam ko naman ang gagawin ko. Sobrang busy nadin si Bobita. Ilang beses nadin akong halos mapagalitan ni Drew. Alam kong nagtitiis lang din siya. For some reason, I'm not as good as my sister when it comes to paper works.

He will be away for two days and he will be back for the opening event. Kaya naganap ang overtime, dahil wala siya sa mga sumusunod na araw. Hindi ko pa rin malilimutan ang gabing iyon. Mabuti na lang din at nakaraos ako. Panay ang iwas ko sa kanya, dahil alam kong bibigay ako pagdating sa isang Drew Mondragon.

Nakahinga lang ako nang maluwag ngayon dahil wala siya sa opisina. Ang unang araw na wala siya ay kakaiba. I thought I'll be happy but it seems like I missed him so much. Sabihin man natin na perfectionist siyang tao. E, namimiss ko rin pala!

Umiling iling na ako habang pinagmamasdana ang litrato niya sa mesa. Nilipat ko kasi ang maliit na succulent malapit sa bintana. Simula ng ginawa ko ito ay kumapal na at may bago ng tubo.

"Oh, 'di ba ang healthy mo na?"

Tugon ko sa maliit na halaman. Para lang ding tanga!

"Sana nga pala binigyan kita ng makakasama dito. Gusto mo? Sige bukas may ipapakilala ako sa'yo," baliw kong ngiti sa maliit na halaman.

If someone will see me now. They might think I'm crazy enough, because I'm talking to this tiny little plant. Who cares! Ganito na ako at meron din akong halaman sa loob ng bahay. Marami na nga sila! Mumurahing collection ni Ate.


NALITO pa tuloy ako kong alin sa dalawa ang pipiliin ko. In the end I took the two of them with me at work. Nasa maliit lang din naman na paso ito. Naisip kong ilagay ang isa sa mesa ko, at ang isa sa mesa niya. Sa katabi ng nag iisang succulent doon.

Masaya akong pumasok sa loob at agad na nilagay ito sa tabi. Nilagay ko rin ang isa sa mesa. Hindi ko maintindihan pero cactus ang napili ko. Mukhang bagay naman ang dalawang 'to. Isang cactus at isang succulent. In short, cactu at suco.

Tsk! Umiling na ako. Natatawa na akong tinitigan ito sa lamesa niya.

Pinagtabi ko na ito kasama ang litrato niya. Final showdown mamaya para sa grand opening bukas. Bibisitahin ko lang din si Bobita sa event. Alam ko kasing naghahanda na siya, at para makita ko na rin ang ramp stage. I'll try to do my cat walk on my own.

"Beauty! Ano handa ka na?" Taas kilay niya.

Halos patakbo, ikot, at kung ano-ano pa ang mga kilos niya ngayon. To think my event organizer namang kinuha ang kompanya. Pero kilala ko rin si Bobita. Hands din naman siya. Nakita ko pa ang pag test nila sa ilaw para sa stage at ang ganda.

"Ang damit mo handa na. Pero bukas pa ihahatid ng designer."

"Sino ba ang gumawa?" Excited kong tugon.

"Sino pa ba? E, ang nag iisang Art Atticus Mondragon."

Nahinto ako sa pagkuha sa iilang gamit sa gilid at nilingon siya.

"What the heck! Are you kidding me?"

Ang buong akala ko kasi ay normal lang na damit ang susuotin ko. Hindi ko naman inakala na galing pa talaga sa Monde Fashion ito.

"Ang swerte mo, ganda! Patay na patay 'ata sa'yo ang dragon," halakhak niya.

Ngumiwi na ako. Halatang nagbibiro kasi siya. Umayos na siya at nakasunod lang din ako sa kanya.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)     Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon