Chapter 26

19.5K 588 16
                                    


"Are you willing to trade your love for your dreams? While he's willing to trade all his wealth and money in the world just to get your heart."
💝💝💝

Scores


Ilang oras ko rin siyang hinintay na bumalik sa kwarto ng hotel niya. Wala 'ata siyang planong bumalik. Kaya tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa sofa dito. I even looked around and there's not much here. Wala siyang ibang gamit na dala, maliban nga lang sa hand carry na men's LV travelling bag na nasa gilid.

Kinuha ko lang 'to at tiningnan ang laman sa loob. Dalawang pormal na polo at isang pants lang din ang laman. May notepad at ballpen din sa gilid. Kinuha ko na 'to at nagsulat na ako ng mensahi para sa kanya.

Inayos ko lang sarili at tinitigan ang mukha sa salamin bago lumabas sa kwarto ng hotel. Nilibot ko muna ang kabuuan nito. I know he'll be going back to the Philippines tomorrow. Wala na rin akong gagawin kaya uuwi na lang din ako bukas.


Mahina akong humakbang palabas ng hotel. Tumawid sa daan, at mabilis na pumasok sa kwarto ng hotel ko. Mabuti na lang at wala pa si Tina. Usapan kasi ng grupo na mag night out, at hindi na ako sumama.

Mabilis ko lang inayos ang lahat ng mga gamit ko. Panay pa ang punas ko sa luha ko ngayon. Mugto na ang dalawang mata ko. Nakakainis lang din!

Nang maayos ang lahat ng gamit ay naligo na ako. Dinama ko ang bawat patak ng tubig sa mukha. I got carried away with my jealously and I forgot to trust him deeply.

Nang matapos ay pinatuyo ko ang buhok gamit ang hair dryer. Uminom lang din ako ng mainit na tubig. Hindi kasi ako kumain. May pagkain naman, pero wala akong gana.

Tinitigan ko pa ang cell phone. Nakangiti pa akong pinagmamasdan ang iilang litrato naming dalawa dito. Marami kaming selfie at stolen shot sa Probinsya, at nakakatawa lang din ang iba dito. Na miss ko siya, sobra... Gusto ko pa naman sana siyang mayakap ngayong araw. Pero dahil sa sobrang selos ko, ay hindi ko ito nagawa sa kanya.

Umayos na ako sa kama at nag send na ako ng huling mensahi sa kanya, bago pinatay ang cell phone ko para matulog na...

In my note that I left:

Drew Baby,
I love you. I'm sorry, I got carried away. Pasensya na, nagseselos lang kasi ako ng sobra, mahal kasi kita. I'll see you in Pinas. Uuwi na rin ako bukas.

Beauty

P.S
I will always choose you, Drew
xox

In my text message:

[Drew Baby, bumalik na ako sa hotel ko. Please take care. I love you always and I'm sorry.] -sent-


KUMUNOT agad ang noo ko habang nakatingin sa showbiz balita sa TV. I'm eating some banana bread that Ate bought from work. Birthday daw ni Donna kagabi at may pinabalot pa siya para sa akin talaga. In fairness, ang bait na niya sa akin ah. She always share some foods to Ate too.

Nagtaka nga si Ate sa pinag-iba ng ugali niya ngayon kumpara noon. Mas friendly at approachable na raw siya. I wonder if her and Jasper are still on? Umiling na ako at kumain na lang din. Pero nahinto lang din ang kain ko ng makita ang mukha niya, nilang dalawa ni Beatrice sa TV!

The heck!

They've captured them together coming out from the Airport yesterday. The gossips around are saying, that they're having a secret date in Japan, as both of them attended the Asia's Top Model Show.

Shit lang din ah!

Napakuyom kamao ako at nalanta ng husto ang banana cake sa kamay ko. Kung nakikita lang ang usok, siguro nasusunog na 'tong bahay namin ngayon! Nakakainis!

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon