Chapter 10

21.9K 666 52
                                    


Anyone can catch your eye, but it takes someone special to catch your heart.
💝💝💝

Cover


"Si Jasper Amorez ng SBF," tugon ni Bobita.

Kumunot lang din ang noo kong tinitigan siya. Tinanong ko kasi kung sino at kaninong agency ang kinuha nila para sa event. Kinompirma ko lang talaga, at tama nga naman si Donna ng marinig ko siya. Ang walang hiyang Jasper pa talaga!

"Ba't sila ang napili mong agency? May iba naman ah."

Umayos agad si Bobita at hinarap ako.

"Bakit may problema ba? Do you perhaps knows, Jasper?"

"No. Hindi ko siya kilala," iling ko.

"Their agency is one on the top three in the country, Beauty. I was aiming for the Monde Fashion. Sisters company ng companya natin kaso kilala ko si, Sir Drew. Ayaw na ayaw niyang makigulo ang pinsan niya sa event na 'to."

"Pinsan niya ang may ari ng Monde Fashion?" Nanlaki na ang mga mata ko.

"Oo. The most eligible hunk with a complete package, Art Atticus Mondragon!"

Pumilantik lang ang kamay niya sa ere at kumurap pa ang mga mata niya. Ngumiwi lang akong tinitigan siya. Nabaliw na talaga ang bakla! Pero in fairness, kilala ko ang pangalan niya, si Atticus Art Mondragon ang nagmamay ari ng Monde Fashion. Pero hindi ko pa naman siya nakita ng personal. Ayon sa sabi-sabi, mailap daw siya sa media, ayaw ng publicity. That's why his models with his artwork are the faces of his company.

Who wouldn't like to work under the company as their models. Naalala ko pa nga noon noong sumasali pa ako sa fashion show rampage. Halos lahat ng mga kasamahan kong model pinangarap talaga na makapasok sa Monde Fashion.

"Sana nga pala sila ng kinuha mo. Ba't pumunta ka pa sa iba?" Inis na tugon ko. Ayaw na ayaw ko talagang makota si Jasper. Nakakainis lang din!

"Nag suggest na ako, Beauty. Hihintayin ko na lang ang approval ng dragon mong amo!" Pabagsak niyang salita.

"So hindi pa final? I mean, pwede pang ayawan natin ang SBF?"

Kinuha lang niya ang maliit na salamin sa harap ko at nanalamin pa.

"We can join them together. That's not a big deal. I've done that work before, at dalawang kompanya ang kinuha ko. Wala namang problema," ngiti niya.

Nawala lang ang ngiti sa labi ko. In the end, I have no choice anyway. Bahala na nga! So ano naman kong makikita ko siya? No one knows that he's my ex, except for Ate and Ceilo. Ngumit ulit ako kay Bobita nang maalala ko si Ceilo.

"Can I suggest an extra model? May kilala kasi ako."

"Sino?"

"Si Ceilo Delamar, best friend ko. Pwede pa? Please..." Pa-cute ko sa bakla!

"I know her! And sure. Kayong dalawa ang ilalagay kong extra okay. Tama na kayong dalawa na galing sa akin. The rest will be on Jasper's shoulder."

Tumayo na siya at inayos lang ang damit. Tumayo na rin ako, para magtimpla ng kape ko. Tanghali na kasi at alam kong half day lang ulit si Sir Drew. Sinabi na kasi niya sa akin kahapon na may importante siyang gagawin ngayon, at after lunch na siya magpapakita.

"Wow, you're really such a beauty, Beauty..."

Hinawakan niya lang ang balikat ko at pinaikot ako sa harapan niya. Tumaas lang din ang kilay niya, pero kakaiba naman ito.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon