Chapter 11

21.5K 642 51
                                    


If I were blind, within my heart I could still see the beauty that is you.
💝💝💝

Beauty


"I'm sorry, Beauty. But you have to talk to Sir Drew. I've told him and he wants to hear it from you," si Bobita.

"Yes, I was about too. But he left early yesterday with Sir Art Atticus." I sighed heavily.

"Art Atticus Mondragon!?" Bigla sa boses niya.

Halos ilayo ko na sa tainga sa cell phone. Nag uusap kasi kami sa dito. Sa susunod na linggo na ang fashion opening events. New launching ng bagong sasakyan at iilang gadgets na hawak ng kompanya. Galing pang Germany ang lahat ng parts at dito lang ini-assembly ng sikat naming mga automotive at mechanic. Ito ang isa sa negosyong hinawakan ng Monde Corporation.

"Yes. Art Atticus, the CEO and owner of Monde Fashion," mahinang tugon ko.

"Oh my god! Kaya pala! I already send the proposal three days ago and I just got the approval, Beauty!" Tili niya sa kabilang linya.

Hindi na nakaka-excite ang balita niya. Nanghihinayang kasi ako. I don't know what comes to Sir Drew's mind. The hell he grabbed that gold card from me? Baliw din.

"Talk to Sir Drew, Beauty. I'm sure he'll agree with you. Ikaw pa... E, malakas ka sa kanya."

I rolled my eyes. The heck! Malakas ha? Ewan ko na lang din.

Hindi rin nagtagal ang pag uusap namin, busy na kasi ang bakla. Kailangan ko ring matulog ng maaga. I have to be at work early. May iilang pinapatapos sa akin ang dragon kong amo! And as usual, mali na naman ako. Hindi na naman nagtuma ang reports ko. Kainis lang din!


SINADYA ko talagang pumasok ng maaga. Tinapos ko ang trabahong inuwi ko sa bahay ng isang oras at nilapag 'to sa lamesa niya. Namataan ko naman ang succulent na katabi ng litrato nito. Mas binuksan ko na ang glass na bintana. Para naman masilayan nito ilaw sa labas. Lumiwanag din ng husto ang buong silid.

Inikot ko lang din nang tingin ang boung paligid. Hakot awards nga naman si Drew Mondragon sa kompanyang ito. Ngumiti ako habang naglilinis dito. At nang matapos ay lumabas na ako, at ang kape naman sa maliit na kusina ang inasikaso ko. Kalalagay ko lang rin ng freshly coffee bean sa coffee machine nang malakarating.

Sumilip lang ako at ang mukha niya agad ang bumugad sa akin.

"Good Morning," ngiti ko sa kanya.

His brows lifted as a greetings. His eyes darted and looked at me from head to toe. Wearing his black hemp rolled up sleeve top. His broad shoulders is way visible. Sa dibdib pa niya tuloy napako ang mga mata ko. Umiwas na ako at bumalik na para sa kape. Ibang klase rin 'tong mga matang 'to!

Nag iisip ako habang tinitimpla ang kape. I want to ask his permission. Para maging extrang modelo sa gaganapin na event ng kompanya. How will do this? Bahala na nga.

The door is halfway open and I just walk towards straight away. Hindi na ako kumatok, dahil alam naman niyang kape lang din ang ibibigay ko. Nakaupo na siya sa malaking mesa niya at isa isang binasa ang reports na inulit kong gawin. Kumunot lang din ang noo niya. Kinabahan na tuloy ako. Hindi ko alam kong naiintindihan ba niya ito.

"Coffee..."

Nilapag ko lang 'to sa gilid at pa-simpling tumayo sa gilid lang din. Tumikhim na ako, para naman mapansin niya.

"Yes, Beauty?" Buong baritono na tugon.

"Um, regarding the company event. Is it okay for me to attend in the show? Kinuha kasi ako ni Bobita bilang extrang modelo man lang," sabay lunok ko.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon