Chapter 4

22.4K 572 45
                                    


Every second you spend with the wrong person, is a second wasted in the search for true love.
💝💝💝

Wasted


Dalawang araw din akong lutang sa sarili ko. I know I'm tough and strong but really? Heartbreak is way annoying me. Ang dami kong ginawang bawal sa buhay ko dahil sa kanya! Ang dami kong na miss na mga oppurtinidad dahil umasa ako sa manloloko na Jasper na iyon! Ang malas ko talaga!

He tried calling me a dozen times! Huh, ngayon lang siya naglakas loob na tumawag sa akin? Samantalang noon? Ako ang parang baliw na naghihintay sa tawag niya. Hindi man lang niya magawa! Shit talaga!

Ang mukha ni Donna pa ang palagi kong nakikita sa trabaho. Sangkatutak din ang pinapagawa niya sa akin. Nakakainis na! I don't really like her! She's full of plasticity in her face! Magaling lang siya sa mga superior sa kanya pero pagdating sa akin ang arte-arte niya. Feeling maganda! Bruha!

Hindi ko na sinabi kay Bobita ang detalye. Hindi rin niya alam na ang bruhang Donna ang bagong girlfriend ni Jasper. Hindi ko tuloy alam kong sinong mas nauna sa aming dalawa. I can't blame him anyway. Mas may propesyon naman si Donna kompara sa isang tulad ko na wala pa!

Ginulo ko lang lalo ang buhok ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Sabado ngayon at walang trabaho. Natapos ang pitong araw ko sa trabaho ni ate. Ang tagal pa nito! Isang buwang at kalahating sobra pa ang hihintayin so pagbabalik niya. Wala akong magagawa, kaya magtiis na lang muna ako.

Napalingon ako sa labas ng marinig ang doorbell sa gate namin. Kaya lumabas na agad ako.

Ang mukha niya agad ang nakita ko. Huh, great! Mabuti naman at naalala pa niya kung saan ako nakatira. Ito pa lang 'ata ang pangalawang beses na bumisita siya. Naiinis akong pinagmamasdan siya. Binuksan ko lang ang gate at lumabas na. Wala akong planong papasukin siya sa loob nga bahay.

"I'm sorry, Beauty..." Mahinahon na tugon niya.

Humalukipkip na akong tinitigan siya.

"Ang kapal din ng mukha mo ano? Dalawang taon Jasper! Sana nga pala tinuloy ko na lang ang Dubai ko. Bwesit ka talaga!" Sabay tulak ko sa dibdib niya.

Oo, dapat sana nag Dubai na lang ako. Everything was ready back then when the company offered me the job. Pero dahil ako si tanga! Hindi ako tumuloy dahil ayaw kong malayo sa kanya.

"Beauty... Pampalipas oras ko lang naman si Donna. Ikaw naman talaga ang mahal ko."

Umigting ang tainga ko at agad na sinampal siya. Napalakas ko pa 'ata ang sampal ko dahil uminit bigla ang kanang palad ko.

"Ano? Pampalipas oras? Ano siya pokpok? Umalis ka na, Jasper. Wala na tayo!"

Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Beauty. I only did that to fulfil my needs," mahinahong tugon niya.

Mabilis ko lang na tinakwil ang kamay niya.

"Fucking sex needs! Ganoon ba?" Sigaw ko.

"Akala ko iba ka sa kanila, Jasper! Pare-pareho lang pala kayo. Alam mo naman na hindi pa pwede 'di ba? At bakit ngayon ka lang nagpakita? Dalawang buwan mo akong kinalimutan! Pwes, kalimutan na natin ang isa't-isa. Magsama kayo ng fucking buddies mo!"

Itinulak ko ulit siya at pumasok na ako. Ni-lock ko na ang gate. Kanina pa nais bumigay ng mga tuhod at luha ko, pero pinigilan ko ito. Nagmakaawa agad siyang humawak sa rehas na gate.

"Beauty, Mahal kita."

"Bwesit na pagmamahal 'yan!"

Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Pinatay ko na ang lahat ng ilaw sa bahay namin. Bahala siya sa buhay niya! Para sa akin wala na kami at tapos na.

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon