Chapter 25

19.3K 576 33
                                    


"Ilang ulit ba akong magmamakaawa sa'yo na pakasalan mo? Until when will I offer my heart and soul to you, Beauty? Am I still not enough?"
-Drew Mondragon-
💝💝💝

Fight


After a nice lunch with the team I decided to go back to the hotel. Wala ako sa mood mamasyal dahil siya lang din naman ang iniisip ko. Nakabili na naman ako ng iilang pasalubong kina Ate at Mama. Hinihintay ko rin ang mensahi ni Drew. Pero wala pa talaga. Hindi pa nga niya nabasa ito, dahil unread pa hanggang ngayon.

Panay pa ang titig ko sa kabilang gusali. Nasa loob kasi ako ngayon ng isang cafe na katapat lang nito, at katabi ng hotel na tinutuluyan namin.

It's three o'clock in the afternoon. I've done organizing my stuff. Kung babalik siya bukas sa Pinas gusto ko sanang sumama na lang din sa kanya. Tutal bukas lang din naman ang ticket ko pa-uwi. Pero pwede naman akong mag extend kung gusto niya.

But what's the point of extending? Nakakainis lang din. Kahapon ko pa siya gustong makita. E, galit at nagtatampo pa.

I looked at the time again in my wristwatch. I've been sitting here for half an hour thinking of nothing! Guilt is hunting me. Alam ko, kasalanan ko. Kaya ako ang unang lalapit sa kanya.

Inayos ko ng mabuti ang sarili nang makapasok ako sa elevator ng hotel na tinutuluyan niya. Tiningnan ko pang mabuti ang cell phone ko. I have the screen shoot of his room number from Mamita before. Madali lang naman na hanapin 'to. Kanabahan man ako, ay mas nanaig naman ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya ako na mismo ang magpapakumbaba ngayon.

Tahimik ang hallway nang makalabas ako sa elevator. This hotel is not that huge. It's pretty decent and normal. Halos naman kasi lahat dito sa Japan ay maliliit. But they also have the foreign type designs, and they can definitely offer the traditional way of living if you want to experience it.

Nakita ko agad ang numero sa pinto ng hotel room niya, dahil iilang metro lang ito mula sa kinatatayuan ko. I was about to take my step forward when I heard his door opened. So I back out a bit and hide in the corner, near the elevator. Bumukas kasi ang kwarto niya kaya nagtago muna ako sa gilid.

"Are you sure about tomorrow?" Boses ng babae.

"Yes, I have nothing to do anyway, and besides I have an emergency meeting. Nagpatawag kasi si Daddy at kailangan ko ng bumalik bukas ng maaga," si Drew sa kanya.

Kinabahan na ako. The heck! Why the hell are you hiding, Beauty? Baliw ka na ba? And who's with him? Don't tell me it's Beatrice Mercedes?

Sumilip na ako at tama nga naman ang kutob ko. It's Beatrice Mercedes and they're both outside. Galing sila sa loob ng kwarto ni Drew. Naalala ko rin sa text ni Drew kagabi sa akin. May company tour sila ni Beatrice ngayon at tapos na siguro.

"You still haven't change, Drew..." Si Beatrice sa kanya. Nakangiti pa siya.

Ang mukha niya lang ang nakikita ko ngayon. Nakatalikod kasi si Drew, dahilan na hindi niya ako nakikita.

"Do you think? People change, Beatrice," pamaywang niyang nakaharap sa kanya.

"So, will I see you tonight?" Si Beatrice sa kanya.

What tonight? Isip ko. Tumaas lang din ang kilay ko sa kanya. I can't really understand my feelings right now. It seems like she's so eager to get Drew back into her. By her beauty and classical decent look. Walang lalaki ang hindi siya hihindian. Kaya natatakot din ako, at isali mo na rin ang hanggang langit na selos ko ngayon sa kanila!

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon